Ng The SUN
Punuan ang mga tram kahit maulan dahil sa libreng sakay ngayong araw |
Itinaas ang Storm Signal No 8 ngayong 7:40 ng gabi sa Hong Kong dahil sa papalapit na bagyong si Chaba.
Inaasahang lalapit nang husto
ang bagyo sa may timog-kanlurang bahagi ng Hong Kong bukas ng madaling araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa Observatory ay malamang na manatiling nakataas ang T8, na ngayon lang itinaas sa taong kasalukuyan, hanggang ika-5 ng umaga bukas.
Bagama’t may badya nang malakas na hangin at ulan ay nanatiling maraming tao sa daan ngayong gabi, at pati mga bus at MTR ay patuloy pa rin ang biyahe. Ang mga tram at ferry lang ang tumigil sa pagbibiyahe.
Pindutin para sa detalye |
Piyesta opisyal kasi ngayong araw dahil ika-25 taong anibersaryo ng pagkatatag ng Hong Kong Special Administrative Region sa ilalim ng China, at takdang araw din sa panunumpa ng bagong Chief Executive na si John Lee.
Bilang pagdiriwang ay libre
ang sakay sa tram at Star Ferry, at pati ang pagpasok sa mga museo sa buong
Hong Kong.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Sinamantala ito ng marami,
kabilang ang mga foreign domestic helper na holiday din ngayon. Punuan ang mga
tram ng hanggang hapon, at pati mga restaurant din na puntahan ng mga foreign domestic
worker dahil nagkataong araw din ng sahuran ngayon.
Bumagal ng kaunti ang takbo ng mga ferry dahil sa bahagyang pag-alon |
Ayon sa Observatory, nasa 370 kilometro ang layo ni Chaba sa Hong Kong bandang alas otso ng gabi, habang papalapit sa kanlurang bahagi ng Guangdong.
Dala-dala daw ng bagyo ang malakas na hangin na lalo pang titindi ngayong magdamag, at mararamdaman nang husto sa bandang katimugan ng Hong Kong.
Press for details |
Pinapa alalahanan ang lahat na iwasan ang
paglapit sa pangpang, o mga lugar na sadyang bahain.
Samantala ay nagbukas
ang Home Affairs Department ng pansamantalang silungan ng mga walang
tinutuluyan.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Ang malakas na hangin
at pabugso-bugsong pag-ulan ay inaasahan na mananatili bukas maghapon, at
hanggang sa Linggo. Magkakaroon pa din ng manaka-nakang pag-ulang hanggang sa
kalagitnaan ng susunod na linggo.
PADALA NA! |