Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy ipinaaresto nang hindi sumipot sa pagbasa ng kanyang sentensiya

28 July 2022

 

Hindi sumipot sa Eastern Court ang Pilipino kaya ipinaaresto

Isang Pilipino ang hinahanap ngayon ng pulis matapos ipaaresto ng isang hukom sa Eastern Magistrates’ Courts dahil hindi sumipot sa nakatakdang pagbasa ng kanyang parusa sa kasong pagnanakaw.

Si S. Bermejo, 28, ay kinasuhan ng pagnanakaw nong Apr 1 ng isang pares ng sports shoes sa isang flat sa Wanchai. Siya ay nakalalaya dahil naka-piyansa.

Nakatakda sanang humarap si Bermejo kay Magistrate Jason Wan Siu-ming upang basahan ng sentensiya, na katapusan na sana ng kaso niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero nang tawagin ng clerk of court ang kaso niya, wala si Bermejo. Lumabas sa korte ang interpreter na magsasalin sana sa Tagalog ng hatol sa kanya, sakaling nasa labas lang siya, pero bumalik ito upang sabihing wala ang nasasakdal.

Tumayo ang abogado ni Bermejo upang humingi ng kaunti pang oras upang hintayin ang akusado, at baka naantala lang daw ang kanyang pagdating.

Tutal, ika nito, nauna ang kaso niyang tawagin samantalang ikalawa ito sa listahan ng lilitisin sa Court 7 sa araw na iyon, kaya baka masyadong napaaga ang pagtawag sa kaso.

Press for details
PRESS FOR MORE DETAILS

Pumayag naman si Magistrate Wan sa kahilingan ng abugado.

Pero matapos ang pagdinig ng kasunod na kaso at wala pa rin si Bermejo, nagpasya na ang hukom na maglabas ng arrest warrant na nagsasabing ideretso si Bermejo sa kulungan kapag nahuli, at huwag pakawalan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso sa Aug. 11.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss