Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy balik-kulungan matapos tanggihan ang alok niyang piyansa

15 July 2022

 

Ang West Kowloon Court, kung saan dininig ang kaso 

Isang Pilipino na torture claimant ang nabigong makalaya pansamantala nang tanggihan ng hukom sa West Kowloon Courts ngayon (July 15) ang alok niyang doblehin ang piyansang ilalagak niya sa kaso niyang burglary, o panloloob at pagnanakaw.

Sinabi ng abogado ni Jefrey Quiatchon, 35 taon gulang at walang trabaho, na handa siyang doblehin sa $2,000 ang $1,000 na nauna na niyang inialok bilang piyansa upang makalaya siya..

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero agad itong tinanggihan ni Magistrate Veronica Heung Shuk-han nang walang paliwanag.

Sa halip ay pinabalik niya sa kulungan si Quiatchon upang hintayin ang muling pagdinig ng kaso sa July 22 upang pag-usapan ang kanyang alok.

Pindutin para sa detalye

Itinakda rin ni Magistrate Heung sa Setyembre 9 ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso.

Inakusahan si Quiatchon ng pagpasok sa isang kainan sa Fuk Wing St. sa  Sham Shui Po nang walang paalam at pagkuha ng isang cash box na may lamang $1,000 at isang Huawei tablet na nagkakahalaga ng $1,500.

Isinakdal si Quiatchon ng paglabag sa Theft Ordinance ng Hong Kong, na nagpaparusa sa burglary ng hanggang 14 na taong pagkabilanggo, depende sa kung gaano kalubha ang nagawang krimen.

Ang insidente ay nangyari noong July 5.

Press for details

Si Quiatchon ay may hawak na recognizance document, kaya pwede siyang tumira sa Hong Kong ng walang visa habang nakabinbin ang petisyon niya na hindi siya pauwiin sa Pilipinas sa dahilang maari siyang mapatay o saktan.

PRESS FOR MORE DETAILS

Gayunman, bawal sa mga kagaya niya ang magtrabaho sa Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss