Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinay pinalaya dahil labis ang inilaging panahon sa kulungan kaysa sa sentensya

06 July 2022

 

Pinalaya ng korte ang Pilipina dahil mas matagal pa ang inilagi niya sa kulungan kaysa sa sentensya nya

Isang Pilipina ang pinakawalan agad ngayon (July 6) matapos sentensiyahan ng tatlong linggong pagkabilanggo sa salang pagnanakaw ng Octopus card ng kanyang alaga, dahil sobra na ang inilagi niya sa kulungan.

Ito ang ikalawang kasong kinaharap ni M. B. Grospe, 40, dating domestic helper, mula noong ikulong siya ng limang buwan noong Disyembre dahil iniwan niya sa MTR station ng Hang Hau ang dalawa niyang alaga -- isang lalaki na isang taong gulang at isang siyam na taong gulang na babae -- upang magnakaw ng tsokolate.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad umamin si Grospe, isang dating domestic helper, nang basahan siya ng kasong isinampa ng pulis na ninakaw niya ang Octopus card, na nakita sa kanyang mga gamit matapos mawala ito ng kanyang alagang babae.

Lumabas din sa pagsusuri na ginamit niya ang card nang ilang beses, kaya naghahabol ang kanyang amo ng $300.

Tumanggi si Principal Magistrate Bina Chainrai na ipabalik kay Grospe ang $300 sa amo dahil wala itong ipinakitang basehan sa sinisingil.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil binanggit ng abogado ni Grospe na sobra na ang inilagi niya sa kulungan sa dapat na parusang tatlong linggong pagkabilanggo, iniutos ni Chainrai na agad na itong pakawalan. 

Dapat kasi ay noong Mayo pa dapat natapos ni Grospe ang kanyang naunang sentensiya, pero hindi siya pinakawalan dahil sa ikalawang kasong inihain laban sa kanya. Halos tatlong buwan nang nakakulong si Grospe habang dinidinig ang ikalawang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abugado, si Grospe ay hiwalay sa asawa at solong sumusuporta sa kanyang inang 80 taong gulang na, at sa dalawa niyang anak na babae na 18 at 22 taong gulang. Nagsisisi rin siya sa ginawa at gusto nang umuwi sa kanyang pamilya, dagdag ng abugado.

Noong Dec. 4, 2021, sa utos din ni Magistrate Chinrai, si Grospe ay ikinulong nang limang buwan matapos mapatunayan na iniwan niya ang dalawa niyang alaga sa Hang Hau MTR Station sa Tseung Kwan O upang magnakaw ng mga tsokolate sa katabing tindahan.

Press for details

Napansin ng mga tao na walang nagbabantay sa mga bata kaya tumawag sila ng pulis. Habang nangyayari ito ay nahuli naman ng ibang pulis si Grospe sa tindahan ng Best Mart 380, na binalikan lang niya para magnakaw muli.

Hinatulan si Grospe ng dalawang linggo sa salang pagnanakaw ng tsokolate sa Best Mart 380, kung saan siya nahuli, at apat na linggo sa mga naunang pagnanakaw sa parehong tindahan ng maraming iba pang bagay gaya ng 85 pakete ng tsokolate at anim na lata ng luncheon meat.

PRESS FOR MORE DETAILS

Para sa pag-abandona sa dalawang bata sa MTR, pinarusahan siya ni Chainrai ng apat na buwang kulong.

Dahil pinag-sabay nang isang linggo ang dalawang sentensiya, naging limang buwan ang kabuuang parusa kay Grospe.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss