Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinay nakaiwas sa kulong kahit higit isang taon nang overstay

18 July 2022

 

Shatin Court, kung saan dininig ang kaso ng Pilipina

Isang Pilipina ang nakaiwas ngayon (July 18) sa kulong na karaniwang parusa sa mga nag-overstay, kahit isang taon at tatlong buwan siyang nagtatrabaho nang walang visa bilang domestic helper.

“Salamat, Lord,” ang bulalas ni Margie Coleta, 42 taong gulang, paglabas sa korte sa Shatin, matapos siyang patawan ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-wai ng sentensyang apat na linggong pagkakakulong, na suspendido ng anim na buwan.

Inabot ng dalawang taon at walong buwan ang paglilitis sa kaso niya bago siya nasentensiyahan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Coleta hindi niya napansin na mas maiksing visa ang binigay sa kanya nang dumating siya dito noong November 2017 dahil mapapaso na ang kanyang passport. Nag renew siya ng passport, pero hindi nagpa extend ng visa bago ito napaso noong July 19, 2018.

Hindi siya naging alerto dito dahil ang employment agency nila ang nag apply para sa kanyang working visa at hindi siya pinagbilinan na huwag kalimutang i renew ito bago mapaso.

Dahil sa kasong kinaharap niya ng mahigit dalawang taon, napagtanto niya na hindi dapat iasa sa employment agency ang lahat ng bagay, lalo na ang tungkol sa visa. 

Inihabla si Coleta ng Immigration Department nang mag renew siya ng visa sa ikalawang kontrata sa kanyang employer noong Nov. 15, 2019.

Tatlong kaso ang iniharap sa kanya:

  • Overstaying, dahil ang visa na ibinigay sa kanya noong dumating siya ay hanggang July 19, 2018 lang, at Nov. 15, 2019 na nang malamang overstaying siya.
  • Pagsisinungaling sa Immigration officer, dahil sinabi niya na dumating siya noong Jan. 13, 2018, pero hindi ito totoo.
  • Paggamit ng pekeng dokumento, dahil kasama sa mga dokumentong isinumite sa Immigration ang pekeng landing slip na may petsang Jan. 13, 2018.

Press for details

Kalaunan ay iniurong ng taga-usig ang ikalawa at ikatlong kaso, dahil itinuro niya ang kanyang employment agency na siyang umayos ng kanyang papeles, at umasa lang siya at kanyang employer na gagampanan nito nang maayos ang paghahanda ng mga dokumentong kailangan niya para mag-renew ng visa.

Pero sa unang kaso, ang pag-overstay, umamin si Coleta sa pagkakasala dahil hindi niya maitatanggi na nakatatak sa dating pasaporte niya kung hanggang kailan lang siya dapat manatili sa Hong Kong. Hindi tanggap sa batas ang dahilan na hindi lang niya ito napansin.

Pinarusahan siya ni Magistrate Cheung ng anim na linggong pagkabilanggo, na binawasan ng dalawang linggo dahil sa kanyang pag-amin, pero suspendido ng 12 buwan. 

Ang ibig sabihin nito, ayon na rin sa paliwanag sa kanya ng tagasalin sa Cebuano, ay hindi siya makukulong kung hindi siya gagawa ng pagkakasala sa loob ng susunod na isang taon.

PRESS FOR MORE DETAILS

Sa labas ng korte ay ipinaliwanag ni Coleta kung bakit nagluwag sa kanya ang hukom.

 “Nang dumating kasi ako sa Hong Kong, malapit nang mag-expire ang passport ko. Nag-renew ako ng passport sa Konsulado bago ito mapaso,” ika niya.

“Ang hindi ko alam, kasabay pala nito mag-expire ang visa sa ibinigay sa akin. Walang nagsabi sa akin, kaya kampante naman ako nang mag-expire ang unang kontrata ko at nag-renew ako ng visa sa Immigration," dagdag niya.

"Kung hindi pa sinabi ng Immigration officer na overstaying na ako, hindi ko pa malalaman."

Nagpasalamat si Coleta sa kanyang dating employer dahil buo ang suporta sa kanya at pinatira pa siya sa bahay nito sa halos dalawang taong itinagal ng kaso. Ayon sa kanya, handa pa rin itong pumirma bilang employer niya kung bibigyan siya ng Immigration ng pangalawang pagkakataon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss