Ang West Kowloon Magistracy kung saan dinidinig ang kaso ng Pilipina. |
Isang Pilipina na nabistong overstay na ng walong buwan habang iniimbestigahan ng pulis sa dalawang beses na pagnanakaw sa isang tindahan ng Wellcome, ay sinampahan ng isa pang kaso nang humarap siya ngayon (July 19) sa West Kowloon Court sa Cheung Sha Wan.
Si Olivia Tabas ay kinasuhan ng pagkakaroon ng isang Hong Kong ID card na hindi kanya, matapos makita sa mga gamit niya ang HKID ng isang Indonesian.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi hiniling ni Tabas na payagan siyang mag-piyansa kaya inutos ni Magistrate Veronica Heung Shuk-man na ibalik
siya sa kulungan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ikalawang kaso ay pagnanakaw din mula sa parehong tindahan
sa araw ding iyon, na nagkakahalaga ng kabuuang $1,352.
Ang ibinibintang na ninakaw ni Tabas ay isang bote ng gatas,
dalawang buko, isang pakete ng abalone at mushroom, isang pakete ng Chinese sausage,
siyam na bote ng sauce, isang karton ng fermented bean sauce, isang bote ng XO
sauce, dalawang bote ng chili sauce, tatlong bote ng oyster sauce,isang karton
ng chili sauce, tatlong pambalat ng prutas, dalawang ceramic na kutsilyo,
tatlong pakete ng durian, isang tablecloth, dalawang abre-lata, dalawang karton
ng pamparikit ng apoy sa barbeque, at dalawang lata ng gas.
Press for details |
Habang iniimbestigahan si Taban sa mga kasong ito sa Tsuen Wan Police
Station ay nadiskubre na ang visa ni ya ay walong buwan nang paso, kaya kinasuhan
din siya violation of condition of stay.
Kinabukasan, May 6, ay nakita sa kanyang gamit ang Hong Kong ID na nakapangalan sa isang Indonesian. Dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit nasa kanya ang HKID ay sinampahan siya ng ika-apat na kaso, ang paglabag sa Registration of Persons Ordinance.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Nagtatrabaho si Tabas bilang domestic helper nang ma-terminate siya noong October 14, 2021. Hindi na siya nakakuha ng bagong employer at hindi na rin umalis ng Hong Kong.
Ayon sa Immigration Ordinance, pwede lang siyang maglagi sa Hong Kong nang hanggang 14 na araw matapos ma-terminate ang kanyang kontrata, kaya higit walong buwan na siyang overstay nang mahuli siya noong May 5.
PADALA NA! |
CALL US! |