Dininig ang kaso sa Kwun Tong Magistrates' Courts |
Isang Pilipinang domestic helper ang ikinulong ng anim na
buwan kanina matapos umaming nagnakaw ng mga alahas at cash na may kabuuang
halagang $59,000 sa kanyang among taga-Tseung Kwan O.
Kinasuhan ng pulis si Honey Lane Orendain, 36 taong gulang, ng
pagnanakaw ng isang singsing na brilyante, isang pulseras, tatlong singsing,
isang tanikalang pulseras, dalawang pares ng hikaw, isang palawit sa kuwintas
at $5,000 na cash mula May 1, 2019 at June 12, 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dininig ang kaso sa Kwun Tong Magistrates' Courts.
Nahuli si Orendain matapos madiskubre ng amo niya na nawawala ang kanyang mga ari-arian na nakatago sa isang drawer sa kanyang silid-tulugan.
Matapos tumawag ng pulis, ipinahinalughog ng amo ang gamit
ni Orendain at nakita ang dalawang resibo mula sa sanglaan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hiniling ng abogado ni Orendain, na ina ng dalagitang 12 taong
gulang, na patawan siya ng mas magaang na parusa dahil daw nagawa niya ang pagnanakaw upang matustusan ang pagpa-opera sa
baga ang kanyang ina sa Pilipinas.
Kalaunan ay namatay din ang kanyang ina.
Ayon din sa abogado, agad umamin sa krimen si Orendain noong
iniimbestigahan pa ng pulis ang kaso.
At maliban sa kasong ito, malinis ang rekord niya sa apat na
taon niyang agtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong at dalawang taon sa
Dubai.
Press for details |
Pinagsisihan at ikinahihiya rin niya ang ginawa, at humingi
na siya ng tawad sa kanyang amo dahil sa nagawa niyang pagkakasala dala ng mahigpit na
pangangailangan, dagdag ng abugado.
Kinilala ni Principal Magistrate Bina Chainrai ang maagang
pag-amin ni Orendain, pero dahil sa krimeng ginawa niya, lalo na ang paglabag
sa tiwala ng amo niya, hindi maiiwasan ang parusang pagkabilanggo.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Nagsimula siya sa siyam na buwang pagkabilanggo bilang parusa
sa pagnanakaw, na binawasan niya ng ikatlong bahagi, kaya naging anim na buwan ang sentensiya
ni Orendain.
Iniutos rin ng huwes na ibalik sa pulis ang mga ebidensiyang ginamit sa korte upang maibalik sa may-ari.
PADALA NA! |