Ibinalik sa kulungan ang Pilipina hanggang sa susunod na pagdinig sa Kwun Tong Court |
Isang Pilipinang domestic helper ang humarap ngayon (July 6) sa Kwun Tong Court sa dalawang kaso ng pagnanakaw ng mga ari-arian na ang kabuuang halaga diumano ay $270,700, mula sa bahay ng kanyang amo na taga Silver Terrace Road, Tseung Kwan O,.
Binasa ng tagasalin ang sakdal kay Rhea Labrador, 38 na
taong gulang, sa harap ni Principal Magistrate Bina Chainrai.
Dahil hindi humiling si Labrador na makapag-piyansa upang
makalayang pansamantala, ibinalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig
ng kaso sa Aug . 9.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dalawang kaso ni Labrador ay ang mga sumusunod:
Para sa unang sakdal na nagkakahalaga ng $267,200 na pag-aari
ni Chu Wing Hei:
- Dalawang pares ng hikaw.
- Isang kwintas.
- Isang 10-cent Malaysian ringgit coin.
- Isang puting card holder.
- Dalawang bag.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
- Limang lipstick.
- Dalawang case ng eye shadow.
- Isang bote ng face cream.
- Anim na bote ng pabango.
- Isang bote ng hand sanitizer.
- Isang bote ng face concentrate.
- Isang paper box.
- Apat na eyeliner.
- Dalawang bote ng makeup remover.
- Apat ng tubo ng cream.
- Isang bote ng sun cream.
- Dalawang pakete ng hair conditioner.
- Isang sabon.
- Isang cosmetic sponge.
- Isang bote ng White Flower oil.
- Isang power bank.
- Tatlong ball pen.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Para sa pangalawang sakdal na nagkakahalaga ng $3,500 na
pag-aari ni Nancy Ng:
- Isang pares ng high heel na sapatos.
- Isang payong.
- Apat na supot.
- Apat na Chinese New Year decoration.
- Dalawang noteboook.
- 118 red packet na walang laman.
- Tatlong bote ng pabango.
PADALA NA! |