Ni Daisy CL Mandap
Ang ganda ng ngiti ni May habang binabalita na nakipag-ayos na ang employer niya |
Alamin mo ang iyong
karapatan at ipaglaban mo.
Ito ang tumatakbo sa
isip ngayon ni May E, na nakahinga ng maluwag matapos makipagkasundo ang dating
employer na nag terminate sa kanya noong nakaraang buwan dahil sinubukan niyang
i-video ang pagtatangka ng kanyang alagang walong taong gulang na tusukin siya
sa mata.
Hindi lang nakipag-usap
ng maayos ang employer kundi pumunta pa sa Mission for Migrant
Workers noong nakaraang Lunes, Jun 27, para ibigay ng buo ang hinihingi niyang
kabayaran na umabot sa $19,837.90.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nakumbinsi kasi ito ng
case worker ng Mission na si Esther Bangcawayan na mas maigi na mag-ayos na
lang sila imbes umabot pa sa korte ang kanilang kaso. Dagdag pa ni Bangcawayan, matagal
din naman ang ginawang pagsisilbi sa kanila ni May na umabot ng halos apat na taon.
Kasama sa binayaran ng
amo ang severance pay, na sa unang akala ni May ay hindi niya dapat singilin
dahil sabi ng ilang kaibigan ay dapat nakapagsilbi siya ng hindi kukulangin sa
apat na taon, at hindi na kukuha ng kapalit ang employer niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Laking tuwa niya nang
malaman niya sa The SUN na 24 buwang paninilbihan lang ang kailangan para
makasingil nito. Bukod dito, sinabi sa kanya sa Mission na dapat ay maipakita
ng employer na kumuha na ito ng kapalit niya sa loob ng14 araw matapos niyang
bumaba, kung hindi ay hindi na nito pwedeng itatwa na hindi na siya papalitan.
Ang mensahe ng amo na nakikipag kasundo |
Nang bumaba si May sa
bahay ng amo sa Fanling noong Jun 24 ay halos yung suweldo lang niya ng isang
buwan at bayad sa annual leave at ticket ang gustong bayaran sa kanya. Pati ang
air ticket niya pauwi sa Dumaguete City ay pilit tinatawaran ng $1,500 dahil yun lang daw ang halagang
nakita nito sa internet.
Kung hindi siya
naglakas-loob na magtanong-tanong tungkol sa kung ano ang dapat niyang makuha
mula sa amo ay malamang na napapayag si May sa gusto ng employer. Pati kasi ang
dati niyang agency ay panay ang udyok na makipagkasundo na lang siya sa amo
niya para daw bigyan siya nito ng magandang termination letter.
Sabi ng agency, mahihirapan
si May na humanap ng malilipatan kapag hindi maganda ang isinulat ng amo sa
termination letter dahil terminated siya. Dagdag pa nito, huwag din daw umasa
si May na makakuha ng sahod na mas mataas sa minimum.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Dahil sa mga payo sa
kanya ng The SUN at Mission ay nagpasya si May na magtanong sa ibang agency.
Ganoon na lang ang tuwa niya nang may naibigay agad sa kanyang employer na agad
na pumirma ng kontrata, at nag-alok ng sahod na $5,500.
Sa ngayon ay naghihintay
na lang si May ng paglabas ng visa niya. Sa tulong ng Mission, lalo na ng case
officer nila at executive director ng Bethune House na si Edwina Antonio ay
nakasulat na rin siya sa Immigration Department para sabihin ang mga nangyari bago
siya na terminate.
Ayon sa sulat ni May,
mula nang dumating siya sa bahay ng amo noong October 25, 2018 ay lagi na
siyang sinasaktan ng nag-iisang anak nito na lalaki na apat na taong gulang
lang noon. Nariyan yung kalmutin siya, kagatin sa braso, sipain, tusukin,
duraan at hampasin ng payong at kung ano-ano.
Press for details |
“Sa lahat ng mga
ganitong pagkakataon, hindi ako naprotektahan ng amo kong babae sa pananakit ng
anak niya,” sabi pa ni May sa sulat. Hindi daw nagtatrabaho ang nanay nung bata
kaya nakikita lagi ang pananakit ng anak niya pero hindi niya ito inaawat.
Kalmot sa braso ni May na gawa ng alaga |
“Ang mas masaklap, kapag
nasugatan ako o namaga ang braso ko dahil sa pananakit ng anak niya ay ayaw pa
akong dalhin sa ospital ng amo kong babae o bilhan man lang sana ako ng gamot.”
Hindi rin maalwan ang sitwasyon
ni May dahil 16 oras araw-araw ang trabaho niya. Gigising siya ng 6am at nagpapahinga
lang ng 15 minuto para kumain, tapos balik-trabaho ulit hanggang umabot ang
10pm.
Tipid na tipid din sila
sa pagkain. Sa umaga ay oatmeal, lugaw o isang pirasong siopao lang ang
binibigay sa kanyang almusal. Ni walang kape kaya mainit na tubig lang lagi ang
iniinom niya.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Dagdag pa niya, pati sa
pagtulog ay hindi siya lubos na makapahinga dahil sa sala lang siya pinapahiga.
Sa kabila ng lahat ng
ito ay nagtiis si May. Una, dahil sa isip niya ay bata lang ang nanakit, at
umaasa siyang titino din ito paglaon. Pangalawa, may tatlong anak siyang
pinapag-aral, na ang dalawa ay nasa kolehiyo na. Kahit katuwang niya ang asawa
niya sa pag-aalaga sa mga ito ay siguradong mahihirapan siya sakaling mapauwi
siya.
Pero ang lahat ay may
hangganan. Noong Mar 28 ng nakaraang taon ay nagpa doktor na si May matapos
siyang kagatin at kalmutin sa kaliwang braso ng bata, bago nito tinangkang
tusukin ang mata niya gamit ang chopsticks.
Kinunan ni May ng
litrato ang kanyang mga sugat at pasa, at humingi ng medical certificate mula
sa doctor na nagpatunay na ginamot siya nito para sa mga kagat at pananakit sa
kanyang braso.
Madalas din tusukin si May ng bata sa harap mismo ng nanay nito |
Pero muli ay pinakiusapan
daw siya ng nanay ng bata na huminahon at huwag nang iparating sa iba ang
nangyari.
Nitong May 19 ay muling
nagwala ang bata, at tinangka na naman muling tusukin ang mata ni May. Sa
pagkakataong ito ay nagdesisyon si May na kunan ng video ang ginagawa ng bata
bilang pruweba at para takutin ang bata.
Nagalit lang daw ang
bata nang sabihin ng ina na si May ang sasama sa kanya sa tutorial school.
Kinagabihan ay nalaman
ng ama ng bata ang nangyari, pero imbes na pangaralan ang anak ay si May pa ang
pinagalitan dahil illegal daw ang ginawa nito na pag video sa anak nila na
menor de edad.
Muli ay napapaniwala si
May kaya nang sabihan siyang terminated na siya noong May 25 pero kailangan pa
rin niyang magsilbi ng isang buwan ay napapayag siya.
Habang naghihintay
makababa ay nagpasya si May na isumbong na ang pananakit ng bata sa kanya dahil
alam niyang mali. Pero nandoon pa rin ang takot na baka pauwiin siya ng
Immigration at hindi na payagang makalipat sa ibang employer.
Mabuti na lang at
pinatibay ng ilang tao ang kanyang loob, lalo na ng mga taga Mission for
Migrant Workers.
PADALA NA! |