Karamihan sa bagong kaso ng Covid-19 ay taga-Hong Kong. |
Nanawagan ngayon ang gobyerno ng Hong Kong sa publiko, kasama na ang mga domestic helper, na makipag-tulungan upang maiwasang mahawa sa Covid-19, ngayong dumarami ulit ang nagpo-positibo sa sakit.
Pero ayon sa mga nagbalita sa The SUN, ang mas higit na pag-iingat ay kailangan ng mga OFW sa mga bahay na kanilang pinaglilingkuran.
Ang dahilan: karamihan sa mga bagong kaso ng Covid-19 -- 2,611 sa 2,863 ang nag-positibo ngayong Lunes -- ay taga-Hong Kong at anim sa bawa’t sampu sa kanila ay naka-quarantine sa kanilang tirahan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ilan mga mensaheng natanggap ng The SUN mula sa mga OFW ang nagsasalaysay ng kanilang pinag-daraanan o humihingi ng tulong dahil ang kanilang mga kasama sa bahay ay nag-positibo at natatakot silang mahawa.
“Magtanong lang po sana. Kasi ang pamilya ng employer ko halos positive na lahat. Yung among babae ko na lang po at ako ang hindi. Tama po ba na dito pa rin ako mag stay sa isang bahay kasama mga nag-positive po? Iisa ang CR at ang liit ng bahay,” pagsasalaysay ni Jenny (hindi tunay na pangalan).
Nangyari ito habang naka-abiso siyang aalis na sa amo. Pero dahil sa patakaran na hindi siya puwedeng bumaba hangga’t ang lahat ng mga kasama niya sa bahay ay magaling na, naiipit siya sa bahay ng amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Wala rin siyang mapupuntahan dahil ayon din sa gobyerno, walang quarantine facility para sa mga taong kagaya niya na hindi nag-positive sa sakit.
Si Susan, na nag-positibo rin ang pamilyang pinaglilingkuran, ay natatakot mahawa. “Ako po ang nagsabi na ako na lang ang mag-isolate (sa kuwarto). Kasi po nasa labas naman sila. No work no pay na po basta hindi po ako mahawa,” ika niya.
Si Rossana (hindi tunay na pangalan) naman ay nagpositibo. “Pinag-iisipan ko kung magpa-isolate ako (sa quarantine facility) o dito na lang po mag-stay sa amo ko.”
Nahawa siya sa matandang alaga niya na unang mag-positibo sa pamilya. “Una po nagpositive yung kungkung nila. Hindi man lang nila inilipat ng lugar, tapos yung CR ng matanda araw araw pinalilinis sa akin. Siyempre nalalanghap ko.”
Kahit anong ingat ang ginawa niya, gaya ng pagsuot ng face mask at gloves kapag naglilinis ng kubeta nito, nahawa pa rin siya.
Ayon kay Secretary for Health Lo Chung-mau, dumarami rin ang dinadala sa ospital dahil malala ang lagay. Ngayon ay may mahigit 900 na ang nasa ospital. Tinataya niya na aabot sa 300 araw-araw ang dadalhin sa ospital bago matapos ang Hulyo, at malamang maging doble pa ito sa Agosto at Setyembre.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Kaya nanawagan ang gobyerno ng tulong ng publiko upang labanan ang sakit.
Kasabay nito ang paghihigpit muli sa pagbabantay sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga migranteng manggagawa upang masigurong sila ay may suot na face mask sa lahat ng oras na sila ay nasa labas, limitado sa apat na tao ang nakakumpol, walang nagtitinda ng pagkain, at sumusunod sa mga alituntunin laban sa sakit.
Para sa kampanyang ito, nagtutulungan ang Food and Environmental Health Department, Hong Kong Police Force, Labour Department, mga District Office, Leisure and Cultural Services Department at Immigration Department.
Ayon sa FEHD, ang kanilang operasyon laban sa bawal na pagtitinda ng pagkain ngayong taon ay nagbunga na ng 230 na nabigyan ng fixed oenalty notice (FPN), 12 na inihabla da iliegal na pagtitinda, at 283 na pagsamsam ng iniwang aninda.
PADALA NA! |