Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Observatory, nagbabala sa hangin at ulan ng bagyong Chaba

30 June 2022

 

Ang takbo ng bagyong Chaba


Nagtaas ng Strong Wind Signal No. 3 ang Hong Kong Observatory ngayong 10:40 ng gabi upang paalalahanan ang lahat laban sa banta ng ulan na inihahampas ng hanging may lakas na 41-62 KPH, na dala ng bagyong Chaba.

Hindi direktang tatama sa Hong Kong ang Chaba, na itinatayang nasa 570 kilometro sa timog ngayong ika-11 ng gabi, at inaasahang umusad palayo habang paakyat papuntang Guangdong, China.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil papalakas pa ang Chaba, maaaring itaas pa ang signal sa 8 sa Hong Kong bukas kung kinakailangan, ayon sa Observatory.

Pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa malakas na ulan at hangin, lalo na sa matataas na lugar.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nauna rito, apat na oras na nasa ilalim ng Signal No 1 ang Hong Kong.

Nabuo ang bagyong Chaba (na tinguriang Caloy noong nasa area of responsibility ng Pilipinas) mula sa isang tropical depression nitong linggo sa gitna ng South China Sea, mga 1,000 kilometro sa kanluran ng Luzon.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Simula noon, umuusad ito paakyat papuntang China, habang kumukuha ng lakas sa mainit ng hangin na dumadaloy mula sa silangan.

Ilan sa mga paalala ng Observatory:

Press for details

  • Linisin ang mga daluyan ng tubig palabas ng bahay.
  • Siguruhing sarado ang mga bintana at pintuan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

  • Maging alerto sa pagbabaha kung nasa mababang lugar.
  • Makinig sa radio at manood ng TV o buksan ang website ng Observatory upang masagap ang pinakabaging balita.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss