Ng The SUN
Talumpati ni CE John Lee matapos niyang manumpa sa harap ni President Xi Jinping ng China (RTHK) |
Nanumpa bilang bagong Chief
Executive ng Hong Kong si John Lee, sa isang pasinaya kaninang umaga sa Hong
Kong Convention and Exhibition Centre na pinangunahan ng pangulo ng China na si
Xi Jinping.
Pinalitan ni Lee si Carrie
Lam, na nagsilbi sa nakaraang limang taon at dumaan sa ilang mga krisis,
katulad ng malawakang protesta noong 2019 at ang pagsisimula ng pandemyang dala
ng coronavirus noong sumunod na taon.
Sinabi ni Lee na isang
napakalaking karangalan na balikatin ang makasaysayang misyon na iniatang sa
kanya ng mga lider ng China at mga mamamayan ng Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sisikapin daw niyang gampanan ng
buo at tapat ang mga prinsipyong nakapaloob sa “One Country, Two Systems” kung
saan ang mga mamamayan ng Hong Kong ay binibigyan ng karapatan na mamuno at pangalagaan ang sariling mga batas para masiguro ang patuloy na pag-unlad at
seguridad ng siyudad.
Binanggit din niya na sa
nakaraang 25 taon ay marami nang napagdaanan ang Hong Kong kabilang ang global
financial crisis noong 1998, and Occupy Movement noong 2014 at ang mga
kaguluhan dala ng mga protesta noong 2019, at ang kasalukuyang pandemya.
"Thanks to the full
support of the central authorities, the vitality and strength of the One
Country, Two Systems principle, as well as Hong Kong citizens' diligence and
determination to seek improvements, Hong Kong succeeded in overcoming each and
every challenge and moving forward to scale new heights," sabi ni Lee.
Pindutin para sa detalye |
Nangako siya na sa loob ng
limang taon niyang pagsisilbi ay magkakaroon ng mas ganap na pagbabago ang Hong
Kong tungo sa mas ligtas at maalwan na kinabukasan.
Kasabay niyang nanumpa ang mga bagong
miyembro ng Executive Council, ang lupon ng tagapayo ng Chief Executive.
Ayon kay Pangulong Xi, dapat na pagtibayin ang kasaganaan at pagkakaisa ng mga tao sa HK |
Sa kanya namang talumpati ay inatasan ni
Pangulong Xi ang bagong pamahalaan ng Hong Kong na pagtibayin ang kanilang
pamumuno at pagyamanin ang mga natatanging katangian ng Hong Kong para mas
umasenso ang kabuhayan ng mga tao dito, mas maging ligtas sila at may pagkakaisa.
“Hong Kong faces both
opportunities and challenges,” he said, “but there are more opportunities than
challenges,” sabi ni Xi.
Ayon pa sa kanya, ang
pinapangarap ng mga nakatira sa Hong Kong ay magkaroon ng mas malaking tirahan,
mas maraming oportunidad para magtayo ng negosyo, mas magandang edukasyon sa
kanilang mga anak, at mas mahusay na pangangalaga sa mga may edad.
Dapat daw na pagsikapan ng
bagong administrasyon na tugunan ang mga pangangailangang ito at magpakita ng mga konkretong solusyon sa mga problemang kinakaharap ng mga sakop nila.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Hindi daw kakayanin ng Hong
Kong na dumaan muli sa kaguluhan.
Partikular niyang binanggit
na ang mga kabataan ay kailangang tulungan na maisaayos ang kanilang kinabukasan.
“When young people thrive,
Hong Kong thrives. When young people grow, Hong Kong grows. When there is a
future for young people, there is a future for Hong Kong,” sabi niya.
Press for details |
Bago ang panunumpa ng mga
bagong opisyal ng Hong Kong ay itinaas muli ang bandila ng Hong Kong at China
sa Golden Bauhinia Square sa Wanchai kaninang umaga.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ng pandemya na naisagawa ng buo ang seremonya.
Huling pulong ni Presidente Xi kasama ang dating CE na si Carrie Lam |
Kabilang sa mga dumalo si Lee, asawa niya at mga bagong opisyal; at pati si Lam kabilang ang mga opisyal niya na nagsilbi sa nagdaang limang taon. Nandoon din ang mga dating chief executive na sina CY Leung at Donald Tsang.
Hindi na nakasama si Xi sa selebrasyon, pero kahapon ay nauna na siyang dumalaw sa Hong Kong sakay ng tren mula sa
Shenzhen, kasama ang kanyang kabiyak na si Peng Liyuan.
Nakipulong siya sa huling
pagkakataon kay Lam at gabinete nito, at dumalaw sa Science Park sa Tai Po. Si
Peng naman ay nagpunta sa West Kowloon Cultural District
PRESS FOR MORE DETAILS |
Isang buwan bago ang takdang
pagdalo ni Xi sa anibersaryo ng HKSAR at inumpisahan na ang mahigpit na
pagbabantay sa kanyang seguridad.
Ang lahat ng mga bisita sa
mga pagtitipong dinaluhan niya ay kinailangang mag rapid test araw-araw sa loob
ng isang buwan, at ilang araw bago ang July 1 ay pinalipat sila sa isang
hotel para mag quarantine.
PADALA NA! |