Nahuli ang mga akusado sa patuloy na raid ng Immigration kontra sa ilegal na pagtatrabaho (File) |
Kapag nag overstay ka at dinagdagan mo pa ang kasalanan mo ng pagtatrabaho ng ilegal, dapat kang ikulong ng 15 buwan. Hindi ito mababawasan kahit isang araw o ilang taon ka nang nag overstay.
Ito ang sinabi ni Magistrate David Cheung sa Shatin
Court noong Huwebes, Jul 7, nang sentensyahan nya ang may 20 katao na kabilang
sa mga hinuli ng mga ahente ng Immigration kamakailan dahil sa pagtatrabaho ng
ilegal.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sabi ng mahistrado, kailangang maiparating sa lahat na seryosong paglabag sa batas ang pag-overstay at pagtatrabaho ng walang pahintulot.
Kabilang sa mga nasentensyahan matapos umamin sa
kasalanan ang Pilipinang si R. Chavez, na nahuling nagtatrabaho sa isang restaurant
kasama ang dalawang Indonesian.
Pindutin para sa detalye |
Ang iba pang kinasuhan ay panay Indonesian at isang taga
mainland China na nahuli ding nagtatrabaho kahit ilegal na ang pananatili nila
sa Hong Kong.
Sinampahan silang lahat ng kaso na paglabag sa
kundisyon ng kanilang visa dahil sa pag-overstay at pagtatrabaho ng ilegal, na ipinagbabawal
sa ilalim ng section 11 (1) at (2) ng Immigration Ordinance
Press for details |
Ayon kay Magistrate Cheung, dapat patawan ng
itinakdang parusa ng mataas na hukuman ang lahat ng gumawa ng ganitong paglabag
sa batas para hindi sila pamarisan ng iba.
Noon pa kasi sinabi ng High Court na kapag ang kaso ay
illegal na pananatili sa Hong Kong ay dapat makulong ng 15 buwan ang sinumang
mapatunayang nagkasala.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Ngunit sa ilalim ng
Immigration Ordinance ang paglabag sa itinakdang kundisyon para sa mga paggawad
ng employment visa ay may parusang multa na maaring umabot ng $50,000 at
pagkakakulong ng hanggang dalawang taon.
PADALA NA! |