Ang ilan sa mga lider na nagsalita sa SONA ng mga migrante sa Hong Kong |
Nanawagan ang mga grupong migrante sa pamahalaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magbibigay ng kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) bukas sa
harap ng Kongreso, na itigil na ang pwersahang paniningil ng mga bayaring gaya
ng PhilHealth, Pag-IBIG at Mandatory Insurance.
Isa ito sa mga isyu na tinakakay sa SONA ng mga Migrante sa
Hong Kong na idinaos sa harap ng gusali ng Konsulado ngayon (July 24) upang
iparating sa pamahalaan ng hinaing ng mga OFW.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Nakaamba po ngayong
Agosto ang pagpapataw ng mandatory Pag-IBIG at ang kapalit po nito ang hindi
pagbibigay ng OEC (overseas employment certificate) kung hindi tayo
magbabayad,” puna ni Dolores Balladares ng Asian Migrants Coordinating Body.
Idinagdag niya na dapat ding pagtuunan-pansin ng gobyerno
ang mga isyu na gaya ng illegal recruitment at illegal collection, na
nagpapahirap sa maraming OFW.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Nakikiisa rin tao sa panawagan ng ating pamilya sa pagbaba
ng presyo ng mga bilihin, ng mga bayarin ng ating pamilya, ng presyo ng
langis,” ika niiya.
“Nais po natin na sa pangmatagalan, hindi na mapwersa ang
ating mga kababayan na lumabas ng bansa upang magtrabaho,” dagdag niya.
Ipinaliwanag naman ni Tess Campo Olleta, ang tagapagsalita
ng Mamamayang Liberal, ang dahilan ng pagtutol sa sapilitang pagsingil ng PhilHealth
contribution sa mga OFW.
“Ang Universal Health Care Law, na kung saan nakapaloob ang
mandatory PhilHealth contribution, ay napirmahan ni (Pangulong Rodrigo) Duterte
noong March 14, 2019. Kung naalala nyo, proud na proud silang ibinalita sa
publiko na ang Universal Health Care daw ay regalo sa mga Pilipino. Nagawa ang
IRR (implementing rules and regulations) at naging epektibo noong Dec. 7, 2019.
“Nagpapogi, yun pala ipapapasan sa mga OFW,” dagdag niya.
“Trilyones ang inutang ng gobyerno sa ilalim ni Duterte, hindi man lang
naalalang pondohan ang pinagmamalaki nilang regalo sa mga Pilipino.
Press for details |
“Para hindi mahalata ang kanilang pambubudol, inutay-utay
ang pagtaas ng mandatory PhilHealth contribution. Nagsimula ng 2019 sa 2.75 per
cent ng buwanang sahod, 2020 nasa 3 per cent, at ngayong 2022, nasa 4 per cent
na o hindi lalagpas sa P3,200 kada buwan, o P38,000 kada taon. Sa 2023, 4.5 per
cent ang taripa. Sa 2024 at 2025, nasa 5 per cent na ang kailangan nating
bayaran sa PhilHealth buwan-buwan.
“Kung ang OFW ay hindi nakapagbayad buwan-buwan, at kung
sakaling umuwi para magbakasyon pagkatapos ng dalawang taong kontrata, yung
maiipon na bayarin sa dalawang taon ay papatungan ng compounded interest.
PRESS FOR MORE DETAILS |
“Ang isang OFW para makakuha ng OEC ay kailangang bayaran
ang PhilHealth. Hindi tayo papaligtasin.
Halos aabutin ng P40,000 ang kailangang bayaran sa PhilHealth para lang
makabalik sa trabaho,” ika niya. “At sa pagkakataon na paalis na saka tayo sisingilin
ng mandatory OFW PhilHealth contribution na hindi naman magagamit dahil may
sarili tayong insurance na provided ng amo.”
At, dagdag niya, “hindi natin nakakalimutan ang P50 bilyong
anomalya sa PhilHealth.”
Ang ilan pang nagpahayag ng kanilang opinion ay mga
kinatawan ng Tropang Angat, Filipino Migrant Workers Union, Gabriela Hong Kong,
Unifil-Migrante HK, Bayan Hong Kong & Macau at iba pa.
PADALA NA! |
CALL US! |