Ng The SUN
Nakataas pa rin ang Storm Signal No ngayong gabi |
Mananatiling maulan na may panaka-nakang pagkulog
bukas, araw ng Linggo.
Ito ay ayon sa Hong Kong Obsevatory, na ibinaba sa
Storm Signal No 3 ang dating Signal No 8 nang makalayo na papuntang timog na bahagi ng
Guangxi ang bagyong si Chaba.
Inaasahan na mananatiling nakataas ang T3 hanggang
alas kuwatro ng umaga bukas. Bagamat paalis na ang bagyo, may babala pa rin na
mataas ang alon sa dagat kaya iwasan ang paglangoy o paglalaro sa pampang.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil sa babalang ito ay kinansela ng ilang grupo ng mga
Pilipino ang nakatakda nilang pagtitipon-tipon bukas sa Repulse Bay.
Kabilang dito ang United Filipinos-Migrante Hong Kong na
nagdiriwang ng ika-37 taon nilang anibersaryo, at ang Wanchai Boys na nakatakdang
idaos ang kanilang ika-28 taong anibersaryo.
|
Hindi rin nakaalis ang dalawang flights ng Cebu Pacific papuntang Maynila kaninang umaga, pero ang pangatlo nilang flight ngayong gabi ay nakaalis ng 10:17pm, mahigit isang oras sa takda nitong paglipad.
Ang Philippine Airlines naman ay umalis sa takdang oras kaninang 9:45 ng umaga, samantalang ang Cathay Pacific ay nakalipad din tatlong minuto makalipas ang takda nitong pag-alis ng 4:35pm.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Samantala ang Air Asia na dapat umalis ngayong 8:45pm ay bukas na ng 5:45am ang takdang pag-alis.
Ayon sa Observatory, mananatiling masama ang panahon sa mga darating na araw.
Samantala,
unti-unti namang bumalik sa biyahe ang mga pampublikong sasakyan isang oras matapos
ibaba ang No 8 na babala dahil sa bagyo.
Press for details |
Ang New
World First Bus at Citybus ay nagsabi na magbabalik-pasada ang kanilang mga
sasakyan kaninang 5pm, samantalang ang KMB at Long Win Bus Company naman ay
5:30pm.
Ang MTR na hindi tumigil ang
serbisyo ay sinabi namang mas dadalas na ang biyahe ng kanilang tren at
babalik-pasada na din ang kanilang mga bus.
Ibinalik ang tig-limang minute ang pagitan
ng mga biyahe sa Island Line, at mula North Point hanggang sa istasyon ng Po
Lam sa linya ng Tseung Kwan O.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Ibinalik na din ang mga biyahe ng Star
Ferry mula Central papunta ng Tsim Sha Tsui at mula a TST papunta ng Wan Chai
simula 6:30pm
Ang Sun Ferry naman sa pagitan ng Central
at Cheung Chau at Mui Wo ay nagsimulang bumiyahe muli ng 6pm, pero ang ibang mga
biyahe ay bukas na lahat uumpisahan.
Ang Hong Kong and Kowloon
Ferry ay nag-umpisa na ring bumiyahe mula Central hanggang Yung Shue Wan,So Kwu
Wan, Peng Chau at Hei Ling Chaun. Pero ipinagpaliban na bukas ang pagbabalik ng
biyahe mula Tsuen Wan West papunta sa Park Island.
PADALA NA! |