Magmasid bago umupo sa bus. |
Mag-ingat kapag sasakay sa bus o minibus; baka matusok ka ng karayom na nakatanim sa upuan.
Kanina, isang pasahero na naman ang nabiktima matapos siyang sumakay sa 63B green minibus sa may malapit sa Tai Wai MTR station bandang ika-2 ng hapon. Naramdaman daw ng lalaki ang pagtusok ng karayom sa kanyang likod nang siya ay umupo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang makitang nagdurugo ang sugat niya, sinabi niya sa driver ang nangyari, at nakiusap na itigil ang sasakyan at tumawag ng pulis.
Ito ang ikalimang kaso ng tanim-karayom na inireport sa pulis simula noong Mayo. Wala pang naaarestong suspect sa mga insidenteng ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong May 23 isang batang nasa Primary 3 ang natusok sa puwet sa Aberdeen nang papasok siya sa eskuwela kasama ang kanyang nanay, sakay ang Citybus route 43M bandang 7:50 ng umaga.
Hindi dumugo ang sugat, pero dinala ang bata sa ospital.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Isang katulad na insidente sa Tsuen Wan ang inireport ng isang lalaki sa pulis noong May 25 pero mabuti at hindi siya nasugatan dahil sa kanyang bag bumaon ang karayom.
Sumakay ang lalaki sa bus 68M galing sa Yuen Long (West) at umupo sa upper deck. Inilapag niya ang dalang bag sa tabi niya.
Press for details |
Nang bumaba sya sa bus terminal sa Sai Lau Kok Road sa Tsuen Wan, napansin niya ang karayom na nakatusok sa kanyang bag.
Noong 2018, matapos matusok din ng karayom ang tatlong pasahero ng KMB bus, ipinangako ng kumpanya na malulutas agad ang mga krimeng ito dahil may siyam na CCTV camera ang nakatutok sa lahat ng parte ng bus.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Sa tulong ng mga security camera, nahuli ang lalaking pinangalanang Mok Cham-sum, 32.
Ang dahilan niya sa pagtatanim ng karayom na nakatusok sa tatlong biktima noong 2018, ay gumaganti siya dahil hindi tumitigil ang bus sa ilang bus stop.
Hinatulan siya ng dalawang taong pagkakakulong.
PADALA NA! |