Kuha kanina ng HK Observatory sa Victoria Harbor sa kasagsagan ng init |
Maghanda sa mainit na day-off ngayong Sabado at Linggo, dahil ang temperatura ay maglalaro sa pagitan ng 33-34 degrees celsius.
Ayon sa Hong Kong Observatory, mas mataas sa normal ang kasalukuyang
init ng panahon, na magpapatuloy hanggang sa susunod na linggo.
Naitala na noong July 12 (Martes) ang pinakamataas na
temperatura sa taong ito, sa 35.2 degress celsius.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang kakaibang pag-init ng panahon ay dahil sa tuyong hangin na umiikot
sa papawirin sa ibabaw ng timog China. Ito ay tinaguriang anticyclone na pumipigil
sa pagbuo ng mga ulap na nagbibigay lilim at nagdadala ng ulan.
Kahit may inaasahang manaka-nakang pag-ulan sa susunod na
siyam na araw, ito ay susunod sa kalakarang namumuo sa buwang ito – ang kawalan
ng ulan. Halimbawa, 149.6mm na ulan pa lang ang naipon nitong July 1-13,
samantalang ang normal na level ay 385.8mm.
Press for details |
Dagdag pa rito ay ang pagtaas din ng UV (o ultra violet, ang
sinag mula sa araw na nakasusunog sa balat) index, na maglalaro sa 8 hanggang 11
sa pagitan ng 10:30am hanggang 2:30pm.
Ilan ang sa mga payo ng Observatory upang maiwasan ang
epekto ng init:
- Upang maiwasan ang heat stroke, iwasan ang paglalagi nang matagal sa ilalim ng araw.
PRESS FOR MORE DETAILS |
- Kung kailangang lumabas, magsuot ng sombrero at damit na matingkad ang kulay at maluwag.
- Manatiling nasa lilim hanggan’t maaari.
- Uminom ng maraming tubig, at iwasan ang mga inuming may caffeine (gaya ng kape at tsaa) at alcohol.
- Kung sumama ang pakiradam, magpatingin agad sa doktor.
PADALA NA! |