Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hindi nawawala si Earl Joy, sabi ng OWWA

18 July 2022

 ni Daisy CL Mandap 

Larawan ni Earl Joy Momo sa kanyang Facebook account

Ilang oras matapos ianunsyo ng Hong Kong Police na nawawala ang isang Pilipina ay nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration na nasa boarding house ito ng employment agency at gusto nang putulin ang kontrata.

Ayon kay OWWA welfare officer Virsie Tamayao, nakausap niya mismo si Earl Joy Momo, ang sinasabing nawawala na Pilipinang domestic helper.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Nakausap ko ang worker at nasa agency boarding house siya ngayon,” sabi ni Tamayao bilang sagot sa tanong ng The SUN.

“Day off niya last Saturday at sinadya niyang hindi bumalik sa workplace dahil gusto na niyang i-terminate ang kanyang contract.”

Ikinalat kaninang umaga ng pulis ang balita na si Momo, 28 taong gulang, ay hindi na nakitang muli magmula nang umalis sa bahay ng employer sa Dynasty Heights, Kowloon Tong, noong Sabado.

Dumulog ang employer sa pulis bago maghatinggabi kagabi para ipaalam na nawawala ang kanilang domestic helper.

Press for details

Agad namang nagpakalat ng litrato ni Momo ang pulis at nagbigay ng mga palatandaan sa kanyang anyo. Sinabi din nila na nakasuot ng itim na pantaas ang Pilipina nang huling makita.

Nanawagan ang pulis sa sinuman na makakita sa Pilipina o may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ninya ngayon na tumawag sa kanila sa 999 o magpunta sa pinakamalapit ng istasyon ng pulis.

PRESS FOR MORE DETAILS

Hindi malinaw kung ano ang mangyayari ngayon kay Momo, na mukhang may malaking hidwaan sa amo kaya umalis nang walang pasabi.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!
Don't Miss