Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bago itaas ang pamasahe sa tram, may libreng sakay muna ulit

05 July 2022

 Ng The SUN

Libre muli ang sakay sa tram sa Lunes

Sa Lunes ay dapat sanang itataas na sa $3 ang regular na pamasahe sa tram, pero nabigyan ng isang araw na palugit ang mga sasakay dito.

Sinagot kasi ng Hong Kong Construction Association ang bayad ng lahat ng mga pasahero sa araw na ito, bilang pagpapatuloy ng selebrasyon para sa ika-25 taong anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa China.

Noong nakaraang buwan ay ipinasa ng Executive Council ang panukala na itaas sa $3 ang bayad ng regular na pamasahe mula $2.60 simula sa Jul 11.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang bayad ng mga bata ay tataas mula $1.30 sa $1.50, at ang mga 65 taon pataas ay magbabayad ng $1.30 imbes $1.20.

Ang buwanang tiket ay magkakahalaga na ng $260 imbes $220, at tatanggalin na rin ang tiket para sa mga turista.

Ayon sa sponsor ng libreng sakay, gusto nitong makiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng HKSAR. Gusto din daw nilang ikalat ang saya at positibong epekto ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa HK.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isang selebrasyon din ito para sa Jul 11, ang araw na itinalaga para kay Lo Pan, na siyang patron ng mga karpintero, inhinyero at ibang pang nagtatayo ng mga gusali.

Bukod sa libreng sakay sa tram, may inihanda ding iba-ibang pasinaya para kay Lo Pan, kabilang na ang kainan sa gabi, pamimigay ng bigas sa 18 distrito, at isang araw na local tour.

Maglalagay din ng mga banderitas at isang malaking plake na may bulaklak sa harapan ng opisina ng asosasyon sa 180-182 Hennesy Road, Wan Chai.

Press for details

Kasabay ng pahayag tungkol sa libreng sakay ay inilunsad din ang pagpapangalan sa isang tram ng “Tokkyu PS” bilang selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng inuming Pocari sa Hong Kong.

Lahat ng sasakay sa tram na ito ay magkakaroon daw ng kakaiba at “interactive cool ride”, ayon sa magkahiwalay na pahayag ng Tramways at Pocari.

PRESS FOR MORE DETAILS

Habang nakasakay sa tram, maari silang magkuhanan ng mga litrato at makakuha ng impormasyon tungkol sa halaga ng tubig sa katawan ng tao at iba pang katulad na detalye.

Maari din nilang i-scan ang QR code sa likod ng kanilang upuan para mapanood ang palabas ng girl band na Collar, na nag-eendorso sa Pocari.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss