Ni Daisy CL Mandap
Malungkot na pinagmamasdan ni Shakira si Cynthia habang naka video call mula sa kanyang quarantine hotel sa HK |
Dalawang linggo pa lang nakakaalis sa kanilang bahay
sa Maasin, Iloilo ang isang Pilipina na bumalik sa pagtatrabaho sa Hong Kong ay
sobrang lungkot na ang kanyang nararamdaman. Ang dahilan: ang alaga niyang
asong Labrador ay ayaw patinag sa harapan ng kanilang bahay dahil naghihintay
sa kanyang pag-uwi.
Pabirong sabi tuloy ni Cynthia Merced Salcedo, 46, may
asawa’t isang anak, “Mas parang nami miss ko pa siya kaysa sa anak kong 16 na
taong gulang.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bago lumipad patungong Hong Kong si Cynthia noong Jul 11 ay namalagi muna siya sa Maynila ng isang linggo para asikasuhin ang kanyang mga papeles pabalik dito.
Magmula noon ay hindi na raw umaalis ang alaga niyang
si Shakira sa tabi ng kanilang gate sa pag-asang uuwi na siya. Tuwing mag
maririnig daw itong motor na papalapit ay agad nagiging alerto sa pag-aakalang
si Cynthia na ang dumating.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Lagi siya pinapadalhan ng litrato ng kanyang asawa na
nagpapakita kay Shakira na animo’y lungkot na lungkot habang nakabantay sa
harapan ng bahay nila.
Nagvi video call din daw sila, pero parang mas
nakakaawa ang hitsura ni Shakira kapag narinig na ang boses niya.
“Tatakbo siya agad sa harapan ng bahay namin at
sisinghutin ang paligid niya. Hindi niya maintindihan na naririnig niya ang
boses ko pero hindi naman niya ako naaamoy,” kuwento ni Cynthia.
Pagkatapos noon ay babalik na sa harapan ng camera si
Shakira at makikinig sa boses niya, na halatang halata sa mga mata ang lungkot.
Si Shakira sa harap ng bahay nina Cynthia at naghihintay sa kanyang pag-uwi |
Ayon kay Cynthia, binigay sa kanya ng isang pinsan si Shakira noong magbalik siya sa Pilipinas noong Nobyembre ng 2020 pagkatapos ng 12 taong pagtatrabaho sa Hong Kong. Malungkot daw siya noon dahil may alaga siyang Labrador sa Hong Kong na namatay.
“One year four months kong inalagaan si Shakira hanggang
nagka babies siya na lima,” sabi ni Cynthia.
Press for details |
Una niyang naramdaman kung gaano siya minahal ng alaga
nung minsan na nagbantay siya sa isang pamangkin sa ospital ng dalawang araw.
Noon daw mag-umpisang magbantay sa kanyang pagbabalik si Shakira.
Mabigat man sa loob ay nagdesisyong bumalik si Cynthia
sa pagtatrabaho sa Hong Kong dahil umano sa hirap ng buhay sa Pilipinas ngayon.
Gusto din niyang paglaanan ang pagpasok sa college ng kanyang nag-iisang anak
na lalaki.
Sina Cynthia at Shakira, na ubod ng lalim ang pagmamahalan sa isa't isa |
Ang isa pang pinag-aalala niya ang pagpapagamot sa isang
nakababatang kapatid na nakitaan ng stage 2 cancer sa lalamunan kailan lang.
Kahit nagtulong-tulong silang tatlong iba pang
magkakapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa para gastusan ang pagpapagamot nito
ay kulang pa rin dahil umaabot ng Php90,000 ang bawat radiotherapy session
nito. Bukod pa daw dito ang bayad sa ospital at para sa doctor at gamot.
PRESS FOR MORE DETAILS |
Nakatulong naman daw ang pamahalaan sa bayan nila at
ang PhilHealth pero kamakailan ang dati nilang tulong na Php40,000 ay naging
Php20,000 na lang.
Ngayon ay isa si Cynthia sa mga umaasa na bago matapos
ang unang dalawang taon na kontrata niya ay magluwag na ang mga patakaran
kontra sa Covid para makauwi siya at magbakasyon – at makitang muli ang
pamilya, kasama na si Shakira.
PADALA NA! |