Ang Shek-O Beach, na nakasama sa Grade 2 dahil hindi masyadong malinis |
Walong beach lang ang nakapasok sa listahan ng Environmental
Protection Department (EPD) bilang Grade 1 (Good), na magandang languyan dahil malinis
ang tubig at kakaunti ang mikrobyong e. coli na sanhi ng mga sakit sa tiyan.
Ang karamihan, lalo na ang mga popular na beach na gaya ng
Repulse Bay at Deep Water Bay at 16 na iba pa, ay napunta sa Grade 2 (Fair) na pwede pa ring languyan pero may mga
mikrobyong dapat agapan kung sakaling makainom
ng tubig nito.
Ang mga beach na dapat iwasan ay 11 na Grade 3 (Poor) at dalawang
Grade 4 (Very Poor).
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa EPD, sumama ang kalidad ng tubig sa maraming beach
dahil naging maulan noong unang linggo ng Hulyo, na naging dahilan ng pagbuhos
ng maruming tubig mula sa mga lugar na tinitirhan ng maraming tao.
Kahit na naging mainit na ang panahon sa mga sumunod na
linggo ay hindi pa agad naka-recover ang tubig ng maraming beach.
Ito ang dahilan kung bakit masyadong kulay berde ang dagat,
lalo na sa Tuen Mun at Tsuen Wan.
Pindutin para sa detalye |
Ang mga beach at kanilang mga grado (ang mga may asterisk ay
may nakatalagang life guard):
Grade 1
Hap Mun Bay Beach*
Kiu Tsui Beach
Lo So Shing Beach
Silverstrand Beach*
Stanley Main Beach*
Tai Po Lung Mei Beach*
Trio Beach*
Upper Cheung Sha Beach
Grade 2
Cafeteria New Beach
Cheung Chau Tung Wan Beach*
Chung Hom Kok Beach
Clear Water Bay First Beach
Clear Water Bay Second Beach*
Deep Water Bay Beach*
Discovery Bay
Hung Shing Yeh Beach*
Kwun Yam Beach
Lower Cheung Sha Beach
Middle Bay Beach
Press for details |
Pui O Beach*
Repulse Bay Beach*
Shek O Beach*
South Bay Beach
St Stephen's Beach
Tong Fuk Beach
Turtle Cove Beach
PRESS FOR MORE DETAILS |
Grade 3
Approach Beach
Big Wave Bay Beach
Butterfly Beach*
Cafeteria Old Beach
Casam Beach*
Golden Beach*
Kadoorie Beach*
Lido Beach*
Ma Wan Tung Wan Beach*
Silver Mine Bay Beach*
Ting Kau Beach*
Grade 4
Castle Peak Beach
Hoi Mei Wan Beach
PADALA NA! |