Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

3 Pinay na nag-recruit sa mga kapwa DH papunta sa Poland, ligtas sa kulong

09 July 2022

By The SUN 

Nasentensyahan ang 3 Pilipina na illegal recruiter sa Shatin Court

Nakaligtas sa kulong ang tatlong Pilipina na umamin sa sakdal na “breach of condition of stay” matapos silang mahuli na nagre recruit ng mga kapwa domestic helper para magtrabaho sa Poland.

Nguni’t dahil natagpuan silang nagkasala ay malamang na magkaroon ito ng epekto sa kani-kanilang mga trabaho. Sinabi sa korte ng kani-kanilang abugado na kasalukuyan pa rin silang naninilbihan sa kanilang mga amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nasentensyahan sina M. Retales, 38 taong gulang; J. Tacbad, 31, at R. Maravilla, 45; ng 10 buwang pagkakakulong, na sinuspindi ng dalawang taon, nang aminin nila ang sakdal sa harap ni Shatin magistrate David Cheung noong Huwebes, Jul 7.

Ayon sa sakdal ng Immigration Department, ang tatlo ay nahuli noong Jan 23 ng kasalukuyang taon sa aktong pagpapatakbo sa ilegal na negosyo. 

Pindutin para sa detalye

Si Retales ay nalamang pumasok sa ilegal na gawain noong September 2021, samantalang sina Tacbad at Maravilla ay noong December 2021 naman.

Pinayagang magpiyansa ng tig $1,000 ang tatlo habang kumunsulta sila sa abugado para sa susunod nilang hakbang.

Press for details


Ayon sa kundisyon na nagpapahintulot sa kanila na magtrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper, bawal silang magtrabaho sa labas ng bahay ng kani-kanilang mga amo nang walang pahintulot ang Immigration.

PRESS FOR MORE DETAILS

Sa ilalim ng Immigration Ordinance ang paglabag sa itinakdang kundisyon para sa mga paggawad ng employment visa ay may parusang multa na maaring umabot ng $50,000 at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss