Ito ang Reverse Vending Machine ng Environmental Protection Department. |
Isang proyekto ng gobyerno ng Hong Kong na naglalayong mangalap at mag-recycle ng ginamit nang plastic na bote ng mga inumin gaya ng tubig at softdrink, ay malapit nang makarating sa mas maraming lugar sa Hong Kong.
Ito ay dahil sa tagumpay ng Reverse Vending Machine (RVM)
Pilot Scheme sa nakalipas na isang taon sa mga pampublikong lugar gaya ng mga
shopping center at mga pasilidad ng gobyerno gaya ng sports complex.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa Environmental Protection Department (EPD), umabot sa
22 million ang nakalap na plastic na bote ng 60 na RVM na ikinalat sa iba’t
ibang panig ng Hong Kong, na nagpakita ng suporta ng publiko sa proyekto
At dahil nagbabayad ang mga RVM sa bawa’t
boteng ihulog sa mga makinang ito, umabot sa $220,000 ang naibahagi sa mga
sumali sa pilot scheme.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kaya sa June 25 ay ilulunsad ang Phase 2 ng programa na naglalayong dagdagan pa ng 60 ang mga RVM.
Ayon sa EPD, ang target ng proyektong RVM sa hinaharap ay
ang tinawag nitong Producer Responsibility Scheme on Plastic Beverage Containers,
kung saan magiging ugali ng lahat ng taga-Hong Kong ang mag-ipon at hindi magtapon
ang mga plastic na nagamit nila.
Ang bawa’t RVM, na nag-iiba ang kulay mula asul o berde kung walang laman hanggang kulay
itim kung puno na, ay kayang tumanggap ng 1,000 bote na ihuhulog ng publiko. Sa
phase 2 ay may mga bagong RVM na kayang tumanggap ng 1,200 na botelya.
Pagkahulog ng bote, inaalam nito kung ito ba ay ang klaseng
hinihingi ng programa, at kung pumasa ang bote ay pinipitpit ito upang marami
ang magkasya sa makina, na kasinglaki ng ordinaryong vending machine para sa inumin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bilang kapalit, magbayayad ito ng 1 cent bawa't bote sa pamamagitan ng Octopus o Alipay account ng naglagay ng bote. Ang limit para sa babayarang bote ay 30 cents.
Pwede ring i-donate ang kabayaran sa mga charity na isinama sa programa
bilang beneficiary; walang limit dito.
Para malaman kung malapit ka sa lugar na may RVM, at malaman
na rin kung ang makinang malapit sa iyo ay maluwag pa o puno na, magpunta sa website
ng proyekto: www.hkrvm.com.hk.
O kaya ay tumawag sa hotline 9488 0277, o mag-e-mail sa enquiry@hkrvm.com.hk.
PADALA NA! |