Naganap ang paglilitis sa Eastern Courts. |
Isang Pilipino ang nabigyan ng magastos na leksyon sa Eastern
Magistrates’ Court kanina nang pagmultahin siya ng $3,000 dahil sa pagmamaneho ng electric
bike sa kalye.
At dahil din dito, isang taong bawal kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho
si Rotchell Puno, na isang security personnel.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Humarap si Puno sa sala ni Principal Magistrate Ada Yim matapos sampahan ng apat na kaso ng pulis dahil nahuli siya noong April 16 na nakasakay sa isang e-bike sa King’s Road, sa tapat ng poste na may numerong 43442.
Dahil sa agarang pag-amin niya sa mga paratang, isa-isang pinatawan
ng hukom ng karampatang parusa ang kanyang mga kasalanan:
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
- $1,000 dahil sa pagmamaneho niya ng isang sasakyang de motor na walang lisensiya o hindi naka- rehistro, na labag sa Road Traffic Ordinance.
- $1,000 dahil sa paggamit ng sasakyan na walang third party insurance, na dapat sasagot sa gastos kapag mayroon siyang nadisgrasya, na labag sa Motor Vehicle Insurance (Third Party Risks) Ordinance. Kasabay dito ang 12 buwang pagbabawal sa kanyang kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho.
- $500 dahil nagmaneho siya ng sasakyang de motor na wala siyang lisensiya, na labag sa Road Traffic Ordinance.
- At $500 dahil sa pagmamaneho ng isang motorsiklo na walang helmet na nakakabit sa kanyang ulo bilang proteksiyon, na labag sa Road Traffic (Safety Equipment) Regulations ng Road Traffic Ordinance.
Ibinalik kay Puno ang sasakyan na may kasamang warning mula
kay Magistrate Yim: huwag niyang gagamitin itong muli habang hindi naka-rehistro,
o kaya ay tanggalin niya ang motor kung gusto niya itong sakyan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
At, dagdag ng hukom, huwag syang mag-motor nang walang
lisensya kung ayaw niyang mahuling muli.
Dahil una nang nakapag-piyansa si Puno ng $2,000,
kinailangan niya na lang magdagdag ng $1,000 para sa tuluyan niyang paglaya.
PADALA NA! |