Nilitis ang kaso ng Pilipina sa Labour Tribunal |
Isang Pilipina ang dumulog sa Labour Tribunal kanina upang singilin ng dobleng suweldo ang dating amo dahil dalawang pamilya daw ang pinagsilbihan niya bago siya sinisante nito.
Ikatlo ito sa pitong reklamo ni Yhelen Grace Butac laban sa dating amo na si Vyas Nikunj Jagdishbhai, pero ito ang unang binigyang pansin ng presiding officer na si Ifan Chan.
“Bakit?” ang unang tanong ni Chan sa Inggles, na isinalin kay
Butac ng isang interpreter sa Tagalog.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang sumagot si Butac na masyadong marami ang pinagsilbihan niya kumpara sa pinirmahan niyang kontrata, tinanong naman siya ng presiding officer: “Kung 10 pamilya ba ang pinagsilbihan mo, dapat bang 10 patong din ang dapat na ibayad sa iyo?”
Nang hindi ito masagot ng Pilipina, sinabi ng hukom na labag
sa batas ang hinihingi niya. Kung ilegal ang pagpapatrabaho sa kanya para sa
dalawang pamilya, ilegal din ang hinihingi niyang dobleng suweldo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi sakop ng Labour Tribunal ang isyung ganito at kailangang i-report ito sa pulis, dagdag niya.
Dahil may natisod siyang posibleng ilegal sa pagtatrabaho ni Butac sa amo, pinasumpa niya ang dalawang panig na magsasabi ng katotohanan sa kanilang pahayag.
“Pinasumpa ko kayo dahil gusto kong maging responsable kayo sa inyong
mga sasabihin dito,” paliwanag niya.
Nang tanungin ni Chan si Butac kung pumayag siya o may usapan
sila ng amo sa ganitong sistema ng trabaho, sinabi nito na wala.
Ang dapat na ginawa ni Butac, ika ni Chan, ay nagreklamo
siya sa pulis noong pinapagawa sa kanya ito.
Sa huli ay ipinaliwanang ni Chan na mahinang isyu ito kung makarating
ang kaso sa korte, at iminungkahing iatras na lang ni Butac ang hiling. Pumayag naman ito.
Siningil din ni Butac ang dating amo ng isang buwang suweldo
kapalit ng abiso, dahil hindi daw siya sinabihan na tinerminate na siya noong
October 2021 pero pinapagtrabaho pa rin siya hanggang noong kasunod na Pebrero.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Pero iginiit ng amo na sinabihan
siya.
Nang buksan ang ebidensiya, lumabas na inaresto ng
Immigration si Butac at nadetine nang dalawang araw matapos mahuling nagtatrabaho
nang ilegal sa isang restaurant.
Kahit walang nakasulat na abisong sinisante si Butac, ang pangyayaring
ito ay hindi maikakaila at natural na ayaw ng employer ang kasambahay na
inaresto, ayon kay Chan.
Press for details |
Hinabol din ni Butac ang suweldong hindi raw binayaran ng
amo noong Hunyo, Hulyo at Agosto, 2020, na pinabulaanan ng amo.
Sinabi ni Chan na noong kasunod na Nobyembre, inamin ng
Pilipina na natanggap na niya ang suweldo niya para sa Disyembre. Kung may ganitong
pag-amin, dagdag ni Chan, imposibleng may utang pa ang amo.
Siningil din ni Butac ang meal allowance.
Ang problema, ayon kay Chan, ay kailangang mapatunayan ni
Butac na sya nga ang bumili ng kanyang kinain noong nagtatrabaho sya sa amo.
Nang inamin ni Batac na minsan ay siya ang nagbabayad kung kakain siya ng fast
food, sinabi ni Chan: “Ang ebidensiya ay laban sa iyo.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ibinigay kay Butac ang hinahabol niyang holiday pay na
$1,736.96 dahil walang maipakita ang amo nang tanungin ito kung may ebidensiya
siya na binigyan niya ng bakasyon ang Pilipina.
Pero humadlang ang amo sa hinihingi ni Butac na pambili ng
air ticket, sa dahilan niyang sobra-sobra ang naibigay niya dito bilang cash
advance at dapat iawas na lang dito ang hinihingi niya.
Pero sinabi ni Chan na ang sobrang bayad ay hindi sakop ng Labor
Tribunal, at hindi ito pwedeng kilalaning pambayad sa air ticket. “Ito ang polisiya
ng gobyerno,” paliwanag ni Chan.
Nang tanungin ni Chan kung hanggang magkano ang payag niyang
bayaran para sa air ticket, sumagot ang amo ng $3,000.
Hindi na rin niya hinarang ang hinihingi ni Butac na $200 para
sa gastos habang naglalakbay pauwi sa Pilipinas.
Ang kabuuang natanggap ni Butac ay $4,936.99.
PADALA NA! |
CALL US! |