Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinay at Pakistani na inaresto dahil sa pag-aaway sa publiko, iwas-kulong

22 June 2022

 

Ang pagdinig ay idinaos sa Eastern Law Courts

Isang magkarelasyong Pilipina at Pakistani na inaresto noong Jun 20 (Lunes) dahil sa pag-aaway sa Lan Kwai Fong, ang nakaiwas sa kulong kanina nang magkasama silang humarap sa Eastern Court.

Sina C. A., 38, at Z. Shan, 29, na parehong nasa ilalim ng recognizance (o mga torture claimant) at nakatira sa To Kwa Wan kasama ang kanilang mga anak, ay kinasuhan ng paglabag sa Public Order Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Section 25 ng batas na ito, ang pag-aaway sa publiko ay pwedeng parusahan ng hanggang dalawang taong pagkakakulong at $5,000 na multa.

Nang tanungin ni Principal Magistrate Ada Yim kung sino ang nag-aalaga sa anak ng dalawa matapos silang arestuhin pareho ng pulis ay nalaman niya na ang bata ay nasa pangangalaga ng kaibigan ng Pilipina. Dahil dito ay minabuti ng taga-usig na bawiin na lang ang kaso laban sa Pilipina para maalagan niya ang anak. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inutos ni Mahistrado Yim na isailalim ang Pilipina sa isang bind-over sa halagang $1,000 sa loob ng 24 buwan. Ibig sabihin, babayaran nya ang halaga kapag gumawa siya ulit ng kasalanan sa loob ng itinakdang panahon, bukod pa sa parusa sa bago niyang kaso.

Ang lalaki naman na umamin sa pagkakasala, ay inutusang makulong ng pitong araw, na sususpindihin sa loob ng 24 buwan basta hindi siya muling gagawa ng kasalanan. Kapag lumabag siyang muli ng batas sa takdang panahon ay ikukulong na siya at sesentensyahan pa sa bago niyang kaso.

Ibinaba ng huwes ang hatol sa dalawa matapos humingi ang abugado nila ng kaluwagan sa pagpaparusa.

Sinabi nito na pareho silang may malinis na record bago nangyari ang pag-aaway at nagsisisi sa kanilang ginawa.

Press for details

Idinagdag nito na pareho silang nagtataglay ng recognizance paper na ibinibigay sa mga ayaw mapabalik sa kanilang bansa dahil sa takot na ma torture o mayurakan ang karapatang pantao - at umaasa sa tig-$3,000 allowance na binibigay ng gobyerno ng Hong Kong sa pamamagitan ng NGO na International Social Service.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

 

Bago tuluyang pakawalan ang dalawa, pinayuhan sila ni Magistrate Yim na huwag nang uulit, at lalong huwag mag-aaway sa harap ng anak.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss