By The SUN
Ang iba-ibang klase ng Octopus card na nakapangalan sa may-ari |
Laking tuwa ng isang Pilipinong domestic helper nitong Biyernes nang malaman sa Eastern Magistracy na pagmumultahin lang siya ng $500 at hindi ikukulong pagkatapos umamin sa kasong pagnanakaw ng Octopus card.
Ayon sa abugado ni S.R.P., 39 taong gulang, kasalukuyan itong walang trabaho dahil hinihintay ang paglabas ng kanyang employment visa sa bagong amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli siya ng mga pulis bandang ala una ng umaga noong May 20 sa Hennesy Road sa Wanchai dahil diumano palinga-linga ito na parang may tinatago.
Matapos hingin ang kanyang HK ID card at tingnan ang laman ng kanyang body bag ay nakita nila ang isang Octopus card na nasa pangalan ng isang Intsik, kaya agad siyang hinuli.
|
Pagdating sa presinto ay agad inamin ng akusado na ninakaw
niya ang Octopus card
Ang sabi sa korte ay ginamit niya ang ninakaw na card para sa sarili, pero hindi binanggit kung magkano ang nawalang pera sa may-ari na si Poon Kai-sing.
Sa kanyang pagharap sa korte ay muling inamin ni S.R.P. ang ginawang pagnanakaw.
Agad namang humingi ng mababang sentensiya ang kanyang abugado na ang sabi ay nabawi naman ng may-ari ang card, at agad inamin ng akusado ang pagnanakaw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Tinanggap ni Principal Magistrate Ada Yim ang paliwanag ng abugado, at inutos na magmulta na lang ang akusado ng $500, at ibabawas na ito sa kanyang nakalagak na piyansa.
PADALA NA! |