Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang akusado ng money laundering, humiling na pabilisin ang kanyang kaso

29 June 2022

 

Dinidinig ang kaso sa Kowoon City Court building

Ipinagpaliban muli kanina ang pagdinig ng kaso ng isang Pilipinang inaresto mag-iisang taon na ang nakararaan dahil sa pag-withdraw sa bangko ng mahigit $1.8 million na pinaniniwalaang galing sa krimen, gamit ang ATM card na nasa pangalan ng apat na kapwa niya domestic helper.

Hiniling ng abogado ni Charity Marquez na itakda ang susunod na pagdinig sa kaso ng mas maaga kaysa sa Sept 29 na hiningi ng taga-usig, dahil halos isang taon na siyang nakakulong, pero nanatili pa rin sa Kowloon City Magistracy ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero iginiit ng taga-usig na kailangan ang karagdagang panahon dahil sa dami ng CCTV na dapat tingnan at mga dokumentong dapat isama sa ebidensiya upang iakyat ang kaso sa District Court, kasama ang apat pang katulad na kaso.

Sa huli ay nasunod ang hiling ng taga-usig.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi naman humiling si Marquez na payagan siyang magpiyansa, kaya ibinalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso.

Pero pinaalalahanan pa rin siya ni Magistrate Frances Leung Nga-yan na may karapatan siyang humingi sa High Court ng pagkakataong mag-piyansa.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Nahuli si Marquez sa isa sa mga raid ng mga pulis noong July 26-27 laban sa kumakalat noong love scam at telephone scam, at sinampahan ng apat na kaso ng paghawak sa pera na pinaniniwalaang galing sa krimen.

Ang apat na kasong iniharap sa kanya ay:

Press for details

-Pag-withdraw ng $334,500 gamit ang ATM ni G.G. sa Hang Seng Bank.

- Pag-withdraw ng $485,810 gamit ang ATM ni A.M.C. sa Hang Seng Bank.

- Pag-withdraw ng $354,200 gamit ang ATM ni A.M.C. sa HSBC.

- Pag-withdraw ng $674,500 gamit ang ATM ni R.B.M. sa Hang Seng Bank.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa nauna nang report ng police, napasakamay ni Marquez ang mga ATM card ng mga kapwa niya Pilipina dahil binayaran niya sila upang ipagamit ang mga ito sa isang sindikato. 

Ang mga halagang ipinasok sa mga ATM account ng ito ay galing diumano sa mga biktima ng love scam, at idineposito ng mga miyembro ng sindikato. 

Ginagamit ng sindikato ang mga ATM account upang hindi matunton ang krimen sa kanila, at sa halip ay ipahamak ang mga nagpagamit ng kanilang ATM.

Kasama ni Marquez na naaresto ang tatlong lalaking Nigerian na kasama niya diumano sa sindikato. Sila ay kinasuhan din.

Kaugnay dito, inaresto din ang 23 Pilipina at isang Indonesian domestic helper na nagpagamit ng kanilang ATM card at PIN sa grupo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss