Ni Daisy CL Mandap
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang Pilipina nang marinig ang sentensya sa Eastern Court |
Napahagulgol
Si J. Manalo ay nakasuhan ng “willful assault by those in charge of a child,” o sadyang pananakit sa isang bata na nasa kanyang pangangalaga.
Sinentensyahan siya ni Magistrate Ada Yim ng apat na buwang pagkakakulong, na suspendido ng 24 na buwan. Ibig sabihin, hindi siya ikukulong maliban na lang kung gumawa siya muli ng paglabag sa batas sa loob ng dalawang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inutos din ng korte na ibalik na ang piyansang $1,000 na inilagak ni Manalo dati.
Ayon sa mahistrado, isinaalang-alang niya na malinis ang record ni Manalo at ang nangyari ay isang minsanan lang na pagkalimot sa tama, bukod pa sa pinagsisihan niya ang nagawa kaya agad siyang umamin.
Binanggit din ng mahistrado na ayon sa pagsusuri ay walang natamong sugat o sakit sa katawan ang bata na isang French national.
Gayunman, sinabihan ni Yim ang Pilipina na sinira niya ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga dating amo, at ginamitan niya ng sobrang dahas ang isang napakabata pang alaga.
Inaresto si J. Manalo, 39, noong Sept. 29, 2021, matapos siyang i-terminate ng mga amo nang mapanood ang CCTV kung paano niya sinaktan ang kanilang anak na lalaki sa kanilang bahay sa Tower 4 ng Hong Kong Parkview sa Tai Tam.
Nangyari ang pananakit sa batang si Tristan noong gabi ng Aug 29, 2021, matapos umalis ang mga magulang nito para kumain sa labas. Naiwan sa pangangalaga ni Manalo ang ang bata at ang kakambal nitong babae.
May apat na buwan pa lang siyang naninilbihan sa pamilya noon, at lumipat doon matapos magdesisyon na hindi na pumirma ulit ng kontrata sa mga dating amo na may dalawang anak din, at apat na taon niyang pinagsilbihan.
Unang nakita ng mag-asawa sa CCTV na nakahiga sa
Narinig din siya sa video na tinatakot na lalagyan ng duct tape ang bibig ng bata at ikukulong sa banyo kapag hindi pa rin natulog. Umiiyak daw ang bata habang sinisigawan ni Manalo na matulog na.
Kinabukasan ay tinanong ng mag-asawa ang bata at si Manalo tungkol sa nangyari. Hindi inamin ni Manalo na sinaktan niya ang alaga, lalo na ang akusasyon na sinampal niya ito. Sinabi niya na gusto lang niyang balaan ang bata dahil ayaw nitong matulog.
Agad pinababa si Manalo noong araw ding iyon. Hindi naman siya nahirapang makakuha ng bagong amo pero pinatigil ng Immigration pansamantala ang pag-aayos sa kanyang bagong kontrata habang dinidinig pa sa korte ang kanyang kaso.
Makalipas ang ilang araw ay tinawag ng Immigration si Manalo, at pagdating doon ay sinabihan siyang mag report sa Aberdeen Police Station dahil sa reklamo ng dating amo. Inaresto siya noon din at kinuhanan ng salaysay.
Ayon sa kanyang abugado, “entirely out of character” o hindi sadyang gawain ni Manalo ang manakit ng bata dahil bago siya lumipat sa mga amo ay nanilbihan siya ng maayos sa loob ng apat na taon sa isang mag-asawa na may maliliit na anak din.
Nawalan lang daw ng kontrol sa sarili si Manalo dahil naipit sa isang sitwasyon na hindi niya makontrol ang dalawang alagang bata.
Mahirap daw pasunurin ang bata kahit sa simpleng utos (photo for illustration only) |
Sa labas ng korte, sinabi ni Manalo na hirap siyang pasunurin ang dalawang bata sa mga simpleng utos. Ni lock din daw nila ang pinto ng kanilang kuwarto noon, at pinagtatawanan siya habang paulit-ulit niya silang sinasabihan na matulog na.
Ayon sa kanyang abugado, sa katotohanan ay mahilig sa mga bata si Manalo dahil siya mismo ay may tatlong anak na edad 14, 10 at 6, na mag-isa niyang sinusuportahan.
Dahil sa nangyari ay halos isang taon na siyang walang trabaho at nakikitira lang ngayon sa isang boarding house kasama ang mga kaibigan. Humingi siya ng tulong sa kaso mula sa Mission for Migrant Workers, na kasalukuyang nasa korte para alalayan siya.
Hiniling niya na huwag nang ikulong si Manalo dahil ito ang una niyang pagkakasala na lubos niyang pinagsisisihan.
Nauna rito ay sinubukan din ng abugado na hilingin sa tagausig na payagan na lang na isailalim sa “bind over” si Manalo para hindi ito magka record, at manunumpa na lang na hindi lalabag sa batas sa loob ng itatakdang panahon, pero hindi pumayag ang kabilang panig.
Kinasuhan si Manalo ng paglabag sa Section 27 ng Offences Against the Person Ordinance: Ill-treatment or neglect by those in charge of child or young person.
Ang batas na ito ay nagtatakda ng parusang pagkakakulong ng hanggang tatlong taon (o sampung taon kung isasampa sa mas mataas na korte ang kaso) kapag napatunayan ang pagkakasala ng nasasakdal.
Pagkatapos ng pagdinig ay agad na nagpasalamat sa abugadong tagapagtanggol si Buhay Bangcawayan, case officer ng Mission, dahil sa naging masusi nitong pag-aaral sa kaso, at mahusay na pagdepensa kay Manalo.
Pero nang tanungin niya kung may pag-asa ba na payagan si
Manalo na manatili sa
PADALA NA! |