Ang apat sa mga nagprotesta sa tapat ng United Centre, kung nasaan ang Konsulado |
Itinaon sa mismong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ng ilang grupo ng mga migrante ang pagprotesta kanina laban sa mga dagdag-bayarin na ipinapataw ng gobyerno sa mga overseas Filipino workers o OFW.
Isinagawa ang protesta na umabot ng isang oras sa tapat ng United Centre, ang gusali kung nasaan ang Konsulado ng Pilipinas.
Itinatayang aabot sa P50,000 taon-taon ang aabutin ng mga bayarin ng karaniwang OFW dahil sa sapilitang pangungulekta at pagtaas ng mga bayad sa Philhealth, Pag-IBIG Fund, Social Security System, at mandatory insurance sa lahat ng OFW.
Sinabi ni Dolores Balladares, lider ng Asian Migrants
Coordinating Body: “Sana pakinggan ang mga daing ng mga OFW: Wakasan na ang pagturing
sa atin na gatasang baka.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Maraming pagkakataon nang pinahiwatog natin ang ating
kahilingan ng bigyan ng trabaho ang mga Pilipino para hindi na tayo mapwersa na
mangibang bansa. Pero sa halip na tugunan nang pagbbigay ng trabaho sa mga
Pilipino, hindi ito nangyayari. Sa halip ay pinalakas pa ang pangungulekta, ang
pangigikil, ang pangigipit sa mga OFW,” ika niya.
“Nais naming iparating sa ating gobyerno ngayon at sa
susunod na gobyerno na hangga’t hindi nareresolba ang pangmatagalang problema
natin -- ang kahirapan, kagutuman at kawalan ng trabaho -- patuloy na lalabas
ng bansa ang mga migranteng Pilipino,” dagdag niya
Sinabi naman ni Shiela Tebia, na kumatawan sa Gabriela Hong
Kong at Bayan Hong Kong-Macau, na huwad ang kalayaang ipinagdiriwang ng mga
Pilipino.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Hindi natin ramdam na may tunay na kalayaan ang mga
Pilipino at mga OFW dahil hindi tayo malaya sa mga bayarin, hindi tayo malayang
mamili kung kaya ba natin itong bayaran o hindi. Ang ating pamilya ay wala ring
kalayan dahil hndi rin nila maiwasan ang mga buwis at ipinapataw ng gobyerno sa
atin.”
Ang kinatawan ng Abra Tinguian Ilocano Society naman ay
nagtanong: Bakit pagdating sa koleksyon, ang bilis nila, pero pagdating sa
serbisyo, galaw-pagong? Ito ba ang gobyernong nagmamalasakit sa mga OFW? Hindi
pa man natatapos ang pandemya, bakit parang tinapos lang ang eleksyon at
sinalubong tayo ng sandamakmak na listahan ng sapilitng bayarin?”
Dapat pa nga, ika niya, ay exempted na ang mga OFW sa mga bayaring ito dahil sa laki ng kontribusyon nila para isulong ang ekonomiya ng bansa.
“Bakit? Kulang pa ba ang mahigit 30 bilyong dolyar na remittance
na kinikita ng gobyerno mula sa atin at kailangan pang dagdagan ng mga bayarin?”
Ayon naman sa tagapagsalita ng Cordillera Alliance, “Walang malasakit
ang gobyernong Duterte sa ating mga OFW. Ang mahalaga lang sa kanila ay
remittances at kita na nakukuha nila sa mga koleksiyong ito. Sa halip na bigyan
ng tunay na serbisyo, tulong at proteksiyon ang mga OFW, lalo tayong pinapahirapan
ng mga dagdag-singilin na ito.”
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Daing ng tagapag-salita ng Unifil-HK: “Hindi man lang tayo kinunsulta kung tayo ba ay payag na magbayad ng expanded insurance na isa pang pabigat sa atin. Ang mga amo ay mayroon nang insurance na ipino-provide sa atin dito sa Hong Kong. Bakit dadagdagan na naman ng expanded insurance ang mga OFW bago umalis at tuwing mag-renew ng ating kontrata?”
Sinabi ng tagapagsalita ng Mamamayang Liberal na ang gobyerno
ay walang malasakit sa mga OFW.
“Ang Philhealth hindi natin kailangan dahil alam natin na
libre ang pagpapagamot natin dito. Para saan ang karagdagang bayaring hinihingi
sa atin ng gobyerno? Bakit tuwing may ayuda sa Pilipinas, hindi nabibigyan ang
ating pamilya?
Ang Filipino Migrant Workers Union naman ay nakiisa sa mga
manggagawa sa Pilipinas na itaas sa P750 ang minimum wage sa buong Pilipinas.
“Hindi na nakakaagapay ang mga manggagawa sa Pilipinas sa sobrang taas ng
bilihin at mga bayarin,” ika ng tagapagsalita nito.
Nagpahiwatig din sila sa biglang pagtaas ng presyo ng gasolina at ibang mga bilihin, dahilan para dagdagan nila ang pinapadalang pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
PADALA NA! |