Kitang kita ang Kowloon at HK Island sa kuhang ito na mula sa Sky100 |
Kung wala ka pang planong puntahan sa July 1, na isang statutory
holiday dahil ito ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng Hong Kong Special
Administrative Region, bakit hindi magpunta sa mga pasinayang inihahanda ng
pamahalaan.
May pagakataon ka pang mag-uwi ng libreng souvenir.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga souvenir item ay para sa mga dadalo -- kabilang ang mga OFW -- sa iba’t ibang programang gaganapin simula sa June 19 hanggang Dec. 18 sa kampanyang "iAM Smart" Reward Scheme na naglalayong ipakita ang pakinabang ng "iAM Smart" app sa pagkuha ng iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno at pribadong sektor.
Ang mga souvenir item. |
Ang kailangan lang ay gumamit ng "iAM Smart" app sa pagpasok, upang automatic na mabigyan ng electronic stamp. Kapag nakatatlong stamp na ay pwede nang makakuha ng HK 25th Anniversary souvenir na gaya ng foldable backpack, foldable water jug, tuwalya at pen holder charger.
|
May mga staff na tutulong kung papaano ito gawin.
Ang unang event, na nakatakda sa June 19, ay ang "Happy@ Parks - Toy Formula.Lai Chi Kok Park" na idadaos Leisure and Cultural Services Department.
Ang iba
pang mga programa -- at lugar na pagdarausan ay nakalista sa webpage na ito: www.iamsmart.gov.hk/25a/en/.
Ang impormasyon kung paano mag-download ng "iAM Smart" app para sa iyong mobile phone at kung saan ito magagamit, ay makikita sa website na ito: https://www.iamsmart.gov.hk/en/.
Samantala, ang Hong Kong Science Museum at Hong Kong Space
Museum sa Tsimshatsui ay hindi maniningil ng bayad sa July 1 sa lahat ng mga papasok bilang selebrasyon ng HKSAR anniversary.
Naghahanda rin ang iba pang museum na pinatatakbo ng Leisure and Cultural Services Department (LCSD) ng kanya-kanyang mga programa upang ipakita ang yaman ng kultura ng Hong Kong,
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga kasali sa programang ito ay Hong Kong Museum of Art, Hong Kong Heritage Museum, Hong Kong Museum of History,
Dr Sun Yat-sen Museum, Flagstaff House Museum of Tea Ware, Hong Kong Railway
Museum, Fireboat Alexander Grantham Exhibition Gallery, Law Uk Folk Museum, Lei
Cheng Uk Han Tomb Museum, Hong Kong Film Archive, Sam Tung Uk Museum, Oi! at
Hong Kong Visual Arts Centre.
Para sa detalye ng kanilang paghahanda at kung saan sila matatagpuan, puntahan ang website
na ito: https://www.25a-lcsdevents.gov.hk/en/index.php.
Ang kailangan lang bago pumasok sa mga lugar na ito ay mag-scan
ng "LeaveHomeSafe" app upang masiguro na ang lahat ng pumapasok ay kumpleto
sa bakuna, bilang pag-iingat laban sa Covid-19.
PADALA NA! |