Ng The SUN
Ang The Port LKF kung saan nag-inspeksyon ang mga pulis ay nasa Ho Lee Commercial Bldg sa Central |
Huwag na huwag lumabas ng walang dalang HK ID at baka kayo
ay makasuhan dahil labag ito sa batas ng
Ito ang aral na natutunan ng isang Pilipina na halos isang taon na pinag-alala ng kasong isinampa sa kanya ng mga pulis dahil nahuli siyang walang dalang HKID sa isang karaoke-bar sa Central noong nakaraang taon.
Sa pagharap niyang muli
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa sakdal, labag ito sa subsection (1) ng section 17C ng Immigration Ordinance, na nagtatakda na kailangang magpakita ng katibayan ng pagkakakilanlan ang sino man kapag hiningi ito ng pulis, immigration officer o iba pang opisyal na binigyan ng karapatan na ito.
Bukod sa HK ID, maaring magpakita ng pasaporte ang mga turista, recognizance paper ang mga torture claimants, o iba pang opisyal na dokumento na galing sa pamahalaan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang sino mang mapatunayang lumabag sa batas na ito ng walang sapat na kadahilanan ay maaring pagmultahin ng hanggang $5,000.
Ayon kay Bel P., nagkataon na hiniram ng kanyang employer ang ID nya noon para i-renew ang kanyang visa at nakalimutang isoli.
Tiyempo naman na habang siya ay nasa The Port LKF karaoke and bar sa Ho Lee Commercial Building sa D’Aguilar Street, Central noong bandang hatinggabi ng Jul 10, 2021, ay may mga pumasok na mga pulis at nag-inspekyon ng mga ID.
Hindi pinakinggan ang paliwanag niya na nasa employer niya ang kanyang HKID at nakaligtaan lang ibalik sa kanya.
Press for details |
Nagsampa ng kaso ang pulis laban sa kanya noong Sept 15,
2021, kaya nakatanggap siya ng summons o utos na humarap siya
Sinuportahan naman siya ng kanyang amo para tutulan ang kaso at sabihing nakaligtaan lang nilang ibalik ang HK ID ni Bel, kaya bandang huli ay iniurong na ang kaso laban sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil kabado pa rin sa kung ano ang kalalabasan ng pagdinig kanina ay sinamahan si Bel ng isang mag-asawang Intsik para bigyan siya ng suporta sa korte. Paglabas ay agad siyang sinabihan ng nagmagandang loob na mag-asawa na ipaalam niya agad sa employer niya ang nangyari.