The SUN
Ang sunog sa tulay ng kable na nagsanhi ng brownout sa tatlong distrito sa New Territories (RTHK photo) |
Binalot ng kadiliman kagabi ang may 160,000 na kabahayan sa New Territories West dahil sa sunog na tumupok sa isang tulay na daluyan ng kuryente sa Yuen Long, bagamat hindi pa matukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Bandang alas
Pero may 20,000 kabahayan sa Tin Shui Wai na kaninang umaga lang muling nagka-ilaw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil sa init ng panahon ay maraming residente sa lugar ang napilitang lumabas para magkainan o magpahangin. Marami ang nagsabing hindi sila nakatulog magdamag dahil sa init.
May mahigit na 80 katao naman na naipit sa mga lift, at mga 21 fire alarm na tumunog sa gitna ng dilim.
Pero agad namang sumaklolo ang mga bumbero at iba pang opisyal at wala ni isang katao ang nasaktan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa kabila nito, inabot ng batikos ang gobyerno mula sa mga mambabatas dahil hindi daw ito agad nagpaliwanag o naghatid ng balita tungkol nangyayari.
Sabi ng mambatas na si Holden Chow, hindi katanggap-tanggap na nung maibalik na ang kuryente ay saka lang nagpaliwanag ang mga opisyal ng gobyerno.
Dagdag nya, dapat ay ginamit ng gobyerno ang emergency alert system nito para nabigyan ng kaukulang impormasyon ang mga residente.
Ayon naman kay Ben Chan, nakakagulat na dahil lang sa sunog sa isang tulay ay maraming tao ang nagpalipas ng gabi sa kadiliman.
Dagdag ni Gary Zhang, pinatunayan nito na hindi handa ang Hong Kong sa mga ganitong pangyayari. Wala daw kasing nag-akala na mangyayari ito dito.
Dahil sa insidenteng ito ay kailangan daw na pag-aralang mabuti ng gobyerno ang nangyari para makapaghanda sa susunod. Kailangan din daw na isailalim ang mga residente sa pagsasanay para alam nilang rumesponde sa ganitong pangyayari sa susunod.
Press for details |
Sabi naman ni Tony Tse na kumakatawan sa architectural, surveying, planning and landscape sector, dapat palitan ng CLP (China Light and Power) ang disenyo ng tulay ng mga kable dahil sa dami ng mga kabahayan na naapektuhan ng sunog.
Ang tulay pagkatapos maapula ang sunog (RTHK) |
Ayon sa Under Secretary for the Environment na si Tse Chin-wan, lubhang nababahala ang gobyerno sa nangyari.
Inutusan na daw nila ang CLP na magbigay ng ulat tungkol sa nangyari sa loob ng tatlong araw, at isang mas malawak na paliwanag sa loob ng dalawang linggo.
Sabi ni Tse hindi nila ginamit ang emergency alarm system
dahil isang bahagi lang ng
Sa isang panayam, sinabi naman ni Secretary for Security Chris Tang na mukha namang walang sabotahe na nangyari.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon naman sa isang tagapagsalita ng gobyerno, kakaiba ang
nangyari, pero hindi daw nito naapektuhan ang pagdaloy ng kuryente sa buong
Nauna dito, sinabi ng CLP na ang sunog ay nagdulot ng pagkawasak ng buong tulay ng kable na nasa kalye ng Kwong Yip.
Sabi pa nito, huling nainspeksyon ang tulay nitong nakaraang taon lang.
Ayon naman sa Fire Services Department, hindi nila agad natukoy ang sanhi ng sunog, bagamat mukhang wala namang sabotaheng nangyari.
Dahil sa laki ng apoy ay dalawang water jet at dalawang grupo ng mga bumbero ang pinadala para maapula ito. Sa unang pagkakataon ay gumamit din sila ng mga robot na pampatay ng apoy bilang pag-iingat dahil sa laki ng boltahe ng mga kable na natupok.
PADALA NA! |
CALL US! |