Dininig ang kaso laban sa tatlo sa Shatin Magistracy |
Tatlong Pilipina ang inakusahan sa Shatin courts ng “breach of condition of stay” matapos silang mahuli diumano na nagre recruit ng mga kapwa domestic helper para magtrabaho sa ibang bansa.
Sina M. Retales, 38 taong gulang; J. Tacbad, 31, at R. Maravilla, 45; ay iniharap kay David Cheung Chi-wai, Acting Principal Magistrate, kahapon, Huwebes.
Binasahan sila ng kaso, nguni't pumayag si Cheung na ipagpaliban ang pagdinig sa July 7 para magkaroon sila ng pagkakataon na humanap ng abugado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa sakdal ng Immigration Department, ang tatlo ay nahuli noong Jan 23, 2022 sa aktong pagpapatakbo sa ilegal na negosyo.
Si Retales ay inakusahang nagsimula sa gawaing ito noong September 2021, samantalang sina Tacbad at Maravilla ay noong December 2021.
Ayon sa kondisyon na nagpapahitulot sa kanila na magtrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper, bawal silang magtrabaho sa labas ng bahay ng kani-kanilang mga amo nang walang pahintulot ang Immigration.
Hiningi ng kanilang abugado mula sa Duty Lawyer's Scheme na ipagpaliban ang pagdinig para sa kanilang karagdagang salaysay at para makakuha sila ng kani-kanilang abugado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pumayag ang mahistrado sa pakiusap ng abugado, at inutos na ituloy ang kanilang piyansa ng tig-$1,000.
Ayon sa Immigration Ordinance, ang paglabag sa itinakdang kundisyon para sa mga iginawad na visa ay may parusang multa na pwedeng umabot ng $50,000 at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon.
PADALA NA! |