Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

DH na sinisante dahil nagka Covid-19, nakakubra ng $20k sa amo

31 May 2022

 

Si Garces (nakadilaw na blouse), kasama ang kanyang mga supporter matapos ang kaso sa Labour Tribunal.

Isa sa mga Pilipinang pinababa ng kani-kanilang mga employer matapos magpositibo sa Covid-19 sa gitna ng taglamig noong Pebrero ang nakakubra ng $20,000 sa amo niya nang magkita ulit sila sa Labour Tribunal kanina.

Nagkasundo sina Hazel Garces at ang kanyang amo na si Enoch Chen Tian-ern na tapusin ang kaso matapos ang higit sa tatlong oras na pamamagitan ni Assistant Presiding Officer Vivian Lee.

Ito ang kauna-unahang kaso na isinampa ng isang foreign domestic worker laban sa employer na nag sisante sa kanya dahil nagpositibo siya sa coronavirus. 

Bagamat masaya siya na natapos na rin ang tatlong buwang kalbaryo niya ay gusto na lang daw umuwi ni Garces sa kanilang lugar sa Bacolod City. Wala na daw siyang balak na maghabol pa sa dating amo, kahit sinabihan siyang maari pa siyang magsampa ng kasong diskriminasyon sa Equal Opportunities Commission.

"Uuwi na lang ako, pinapauwi na rin ako ng asawa ko," ang sabi niya. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dumulog si Garces sa Tribunal matapos siyang i-terminate ni Chen noong gabi ng Feb. 26 nang mag-positibo siya sa rapid antigen test para sa Covid-19. Napilitan siyang magpunta sa isang parke sa Tokwawan para doon magpalipas ng gabi. 

Bandang alas tres ng madaling araw ng Feb 28 ay tinawagan niya si Daisy CL Mandap, editor ng The SUN, para humingi ng tulong. Agad naman siyang sinabihan na kontakin si Fr John Wotherspoon ng Mercy Foundation dahil may inupahan itong mga flat para sa mga nagka Covid na walang matutuluyan.

Ayon kay Garces, nang sabihin niya kay Fr John na wala siyang pera ay sinabi nitong sumakay siya ng taxi at  pagdating niya sa lugar na tinukoy nito sa Jordan ay ito na ang nagbayad ng pamasahe niya. Mula noon ay si Fr John na at ang kanyang Mercy Foundation na ang sumagot sa lahat ng mga pangangailangan ni Garces.

Sa kanyang kaso, hinabol ni Garces ang isang buwang sahod kapalit ng abiso, air ticket pauwi ng Pilipinas, gastos habang nagbibiyahe, suweldo sa taunang bakasyon, isang buwang suweldong hindi binayaran, at kabayaran sa natitirang 13 buwan ng kanilang kontrata.

Agad napagkasunduan ng magkabilang panig ang air ticket na $2,545.97, ang gastusin sa paglalakbay na $100, at ang bayad sa bakasyon na $2,206.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Pero iginiit ni Chen na hindi niya kailangan magbigay ng bayad para sa abiso (na isang buwang sahod o $4,630) dahil tinanggal niya si Garces sa ilalim ng Section 9 ng Employment Ordinance, dahil may nagawa itong mabigat na kasalanan.

Nang tanungin siya ng presiding officer kung ano ang kasalanan ni Garces, sinabi niyang nagbibihis ito sa harap ng anak niyang lalaking paslit, at ito ay sexual abuse diumano.

Pero nang tanungin si Chen kung inireport ba niya ang sinasabi niyang krimen sa pulis, sinabi niyang hindi. Nang tinanong siya ni Lee kung may ebidensya ba siya, sumagot ito na wala.

Pinayuhan ni Lee ang employer na kumuha ng payong legal tungkol dito dahil mahirap ipaglaban ang ganitong kaso kung iaakyat sa korte. 

“I don’t think this is a valid case for summary dismissal (hindi ko tanggap na ito ay kaso ng tuwirang pagsisante),” dagdag niya.

Sa hinihingi naman ni Garces na isang buwang suweldo na hindi binayaran, ipinasa sa kanya ang isang dokumentong pinirmahan niya at nagpapakita na binayaran siya para sa  huling buwan niya, mula Feb. 3 hanggang March 3. Sabi ni Garces, hindi niya napansin ang isinulat ng petsa ng amo nang pirmahan niya ito.

Nang sabihin ni Garces na ang bayad na iyan ay para sa nakaraang buwan, tinanong ni Lee ang amo kung kailan niya binabayaran ang Pilipina. Sumagot ito na sa simula ng bawa't buwan.

BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Wala pa akong nabalitaang employer na nagbabayad bago pagtrabahuin ang tao,” sagot ni Lee. Pero idinagdag niya na dahil pinirmahan ni Garces na nabayaran na sya, mahihirapan siyang ipaglaban ito sa korte.

Ang huling hindi napagkasunduan ng dalawang panig ay ang sinisingil ni Garces na suweldo niya sa 13 buwang natitira sa kanilang kontrata.

Ipinayo ni Lee na humingi siya ng payong legal tungkol dito dahil mahihirapan siyang ipaglaban ito sa korte.

Nang tinanong niya si Garces kung ilang buwan ang katanggap-tanggap sa kanya, sumagot ito ng tatlong buwan.

Nang iginiit ng employer na papayag sya sa isang buwan, ipinayo ni Lee na magkita na lang sila sa gitna, o dalawang buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa mga napagkasunduan na, umabot ang kwenta sa $18,443,95. Iminungkahi ni Lee na, upang matapos na ang usapan sa natitirang isyu, isara na lang ang kabayaran sa $20,000, na agad tinanggap ng employer. Kalaunan ay tinanggap na rin ni Garces ang halaga.

Nagsimula ang kaso noong Feb. 26, day-off ni Garces, nang ipatawag sya ng amo upang mag RAT (rapid antigen test). Sa unang test ay nag-positive siya, pero sa ikalawa at pangatlo ang resulta ay “invalid”.

Agad siyang pinapunta sa community testing center upang sumailalim sa RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test, at binigyan nang hanggang 6:00 ng hapon upang ireport sa amo kung ano ang resulta.

Nang hindi siya nakapag-report dahil wala pang resulta ang test, sinabihan siyang terminated na siya at huwag nang bumalik.

Nag-positive siya sa RT-PCR test, pero walang sintomas.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss