Lumabas sa Kowloon City Court ang Pilipino na maaliwalas ang mukha. |
Hindi masama ang magsakay ng pasahero sa iyong sasakyan. Pero kung pinagbabayad mo ang iyong pasahero ng wala kang kaukulang lisensiya ay lumalabag ka sa batas ng Hong Kong.
Ito ang leksyong natutunan ni A. Martinez Jr., isang
Pilipino, na pinagbayad ng $3,000 bilang multa ng isang hukom sa Kowloon City Magistrate
Court matapos umamin sa paratang na inihain ng HK Police na paglabag sa
Road Traffic Ordinance ng Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli si Martinez, 43, noong Oct. 7, 2021 sa Peking Road sa
Tsim Sha Tsui habang nagmamaneho ng isang pribadong sasakyan na may pasahero.
Sa imbestigasyon ng pulis, nakita sa kanyang mobile phone
ang transaksyon sa pagitan niya at ng pasahero, na nagpapakita na kinontrata
siya upang isakay ang pasahero kapalit ang bayad na $51. Kinumpiska ang mobile
phone upang gamiting ebidensiya.
PRESS FOR DETAILS! |
Ayon sa Road Traffic Ordinance, bawal ang magsakay ng nagbabayad
na pasahero sa mga pribadong sasakyan kung walang lisensya o permiso mula sa gobyerno.
Humingi ang kanyang abogado ng magaang na parusa dahil
umamin naman si Martinez at maliit lang naman daw ang siningil nito sa pasahero.
Press for details |
Mayroon ding ibang trabaho si Martinez, ayon sa abogado, at
hindi umaasa sa kita mula sa kanyang sasakyan.
Ayon sa batas, ang parusa sa ganitong kasalanan sa unang paglabag
ay $5,000 at tatlong buwan pagkakakulong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero dahil sa hiling ng abogado ni Martinez, ibinaba ni Acting
Principal Magistrate Peony Wong Nga-yan ang multa sa $3,000 at walang
kulong. Ibinalik din sa kanya ang kinumpiskang mobile phone.
Agad binayaran ni Martinez ang multa na ibinawas sa kanyang piyansa.