Hindi sumipot ang Pilipino sa pagdinig ng kaso niya sa Eastern Court. |
Isang Pilipino ang iniutos na arestuhin matapos hindi sumipot sa pagdinig sa Eastern Magistrates court ng kanyang kasong nasa ikapitong taon na.
Wala sa korte si Nestor Maliwanag, 55, nang tawagin ang kaso
niyang paggamit ng Hong Kong ID card na nakapangalan sa ibang tao, sa harap ni
Principal Magistrate Ada Yim. Lumabas sa korte ang court interpreter
upang hanapin siya, at bumalik upang sabihing wala rin siya sa labas.
Sinabi rin ng abugadong nagtatanggol sa kanya na
hindi nila makontak si Maliwanag isang araw bago ang pagdinig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dagdag pa niya na si Maliwanag ay isang taon nang
hindi nagpapakita sa Duty Lawyer Service, na nagbigay sa kanya ng abugado.
Dahil dito, iniutos ni Magistrate Yim na arestuhin
si Maliwanag at huwag payagang mag-piyansa. Ang piyansang nauna na niyang inilagak
upang siya ay pansamantalang makalaya ay kinumpiska na rin.
Inaresto si Maliwanag noong Oct. 4,
2015 sa Spring Garden Lane sa Wanchai nang makita sa kanyang mga gamit ang
isang HKID na hindi nakapangalan sa kanya.
PRESS FOR DETAILS! |
Kinasuhan siya ng pulis ng paglabag sa Registration
of Persons Ordinance, na ang parusa ay multang aabot hanggang $100,000 at
pagkakakulong ng hanggang 10 taon.
Samantala, sa hiwalay na korte sa Eastern
Magistracy, ipinagpaliban sa July 25 ang paglilitis kay J.G. Villanueva, na
inakusahang pumatay sa kanyang sariling sanggol sa Lantau noong Feb.
1, 2020.
Sinabi ng abugado niya na may isinasagawang negosasyon
sa pagitan nila at ng taga-usig upang maitama ang kasong dapat
niyang kaharapin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Iniutos ni Magistrate Jason Wan Siu-ming
na ibalik si Villanueva sa kulungan habang naghihintay ng susunod na pagdinig.
Mababasa ang nauna nang balita ng The SUN tungkol
sa kanya dito: https://www.sunwebhk.com/2022/02/pinay-na-residente-balik-korte-sa.html.