Nakaligtas ang Pilipino sa kulong sa Eastern Court |
Isang Pilipino ang binigyan ng “bound-over order” sa Eastern
Court kanina matapos siyang umamin na may dalang sildenafil, isang gamot na pampatigas
ng ari ng lalaki, nang mahuli siya sa Wanchai noong nakaraang araw ng Pasko.
Agad ni tinanggap ni J.M.S. ang mga kundisyon ni Magistrate
Jacky Ip Kai-leung upang siya ay mapalaya nang walang criminal record laban sa
kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ilan sa mga kundisyong ito ay ang pagbabayad niya ng $300 bilang gastos ng korte, at multang $2,000 na babayaran lang niya kung may lalabag sya ng batas sa loob ng susunod na 12 buwan.
Ang utos ay ipinalabas matapos banggitin ng hukom na malinis ang record si Salvia
sa buong panahong tumira siya sa Hong Kong.
Nagsimula ang kaso ni J.M.S., 52 taong gulang,
nang maharang siya ng pulis sa Johnston Road, Wanchai, noong Pasko at makita sa
dala niyang bag ang isang palara na naglalaman ng tatlong bahagi ng basag na
tabletang kulay asul na mas kilala bilang Viagra.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa pagsusuri, nakumpirma na naglalaman ang tableta ng sildenafil, na nakalista sa Part 1 ng Poisons List ng gobyerno.
Ayon sa Pharmacy and Poisons Ordinance,
labag sa batas ang pagmamay-ari ng isang Part 1 poison na gaya ng sildenafil
kung walang reseta mula sa doktor.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil dito, kinumpiska ng pulis ang sildenafil na
nakabalot sa palara at pati na rin ang bag na naglalaman nito upang gamiting
ebidensiya. Sa korte kanina, imunungkahi ng taga-usig na isauli ang bag sa
kanya. Ang asul na tableta ay sisirain sa ilalim ng pangangasiwa ng gobyerno.
PADALA NA! |
CALL US! |