Sa Shatin Magistracy ginanap ang paglilitis ng Pilipino |
Muntik nang ipaaresto ang isang Pilipinong overstay nang hindi siya mahagilap matapos tawagin ang kanyang kaso sa Court 1 na nasa 3rd floor ng Shatin Magistracy. Ang Pilipinong court interpreter na inilaan sa kanya ay lumabas din sa lobby upang hanapin siya pero bumalik at kinumpirmang wala nga siya.
Tumawag na ng susunod na kaso ang clerk of court nang pumasok si Enrico Reyes at iprinisinta ang sarili. Naroon lang pala siya sa labas ng Duty Lawyers’ Office na nasa 5th floor para humiling ng magtatanggol sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinayuhan siya ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-wai na magpunta nang diretso sa korte ayon sa nakasaad sa utos na pinadala sa kanya.
Sa mga nakaraang kasong hindi sumipot ang mga nasasakdal, palaging naglalabas ang huwes ng arrest warrant laban sa kanila, at madalas kinukumpisa ang kanilang piyansa.
PRESS FOR DETAILS! |
Bandang huli ay ipinagpaliban sa May 26 ang pagdinig sa kasong overstay laban kay Reyes dahil ayon sa abogadong itinalaga sa kanya ay hinihintay pa nito ang desisyon sa isang kasong non-refoulement, o pagtutol sa pagpapauwi sa kanya, na nakasampa sa Torture Claims Appeal Board
Ayon sa abogado, inapela ng akusado ang kanyang kaso matapos ibasura ng Immigration Department noong Jan. 3, 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagsimula ang kaso ni Reyes noong Oct. 18, 2008, nang mahuli
siyang nag-overstay nang tatlong taon.
Dumating siya noong Nov. 12, 2005 at binigyan ng 14 araw na maglagi
sa Hong Kong bilang bisita. Simula noon ay hindi na siya umalis.
Ang kasong “breach of condition of stay” na dininig sana kanina ay isinampa laban sa kanya noon pang 2011. Ayon sa abogado, may isa pa itong kaso na isinampa naman noong 2018.
Pero laging hindi natutuloy ang pagdinig sa mga ito dahil sa apela ni Reyes na panatilihin siyang mamalagi sa Hong Kong.