Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy at 23 iba pa nahuli sa restaurant na bukas pa nang lampas sa 10pm

15 May 2022

 

Ang Elgin St. ay kilalang lugar ng mga kainan sa Central (Google Maps photo)

Isang Pilipino ang nahaharap sa asunto matapos mahuli ang restaurant na pinagtatrabahuan niya na bukas pa kahit lampas na sa 10pm, ang oras na itinakda ng gobyerno para sa pagsasara ng lahat ng kainan sa Hong Kong bilang pag-iingat sa Covid-19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang Pilipino na 30 taong gulang ay isa sa 24 na nahuli ng mga pulis sa Central noong gabi ng Biyernes, May 13, sa restaurant na matatagpuan sa Elgin St. sa SoHo, o South of Hollywood Road sa Central. Ayon sa pahayag ng gobyerno, sasampahan siya ng kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang 23 na iba pang nahuli – 14 na lalaki at 9 na babae -- ay  kumakain sa restaurant nang dumating ang mga pulis.

Pinatawan sila agad ng multa na tig $5,000. May isa sa kanila na isang Briton na babae ang dinala sa istasyon ng pulis dahil walang maipakitang HKID card.

PRESS FOR DETAILS! 

Ang Pilipino naman ay binigyan ng papel na nag-uutos sa kanyang humarap sa korte dahil sa paglabag ng Prevention and Control of Disease (Requirements and Directions) (Business and Premises) Regulation. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa naturang batas, kailangang magsara pagsapit ng ika-10 ng gabi ang mga kainan, at wala na dapat kumakain sa loob nito. Bago rito, ang itinakdang oras ng pagsasara ay 6pm.

Ang mga may-ari o nagpapatakbo ng mga lugar na lumabag sa kautusan na ito ay maaring mapagmulta ng hanggang $50,000 at pagkakakuliong ng anim na buwan. 

Don't Miss