Ibinalik sa kulungan ang Pilipina matapos ang pagdinig sa Eastern Court. |
Ibinalik sa kulungan si Jonah Bayogo, 41, sa utos ni Eastern Magistrate Jacky Ip matapos hadlangan ng taga-usig ang hiling ng
kanyang abugado na pakawalan muna siya habang nakabimbin ang kaso.
Pinababalik siya sa korte sa July 8.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi ng taga-usig na malaking halaga ang sangkot sa kaso,
at walang kasiguruhang mananatili sa Hong Kong si Bayogo, na ngayon ay walang
trabaho.
Sa Committal Warrant ng HK Police na may petsang May 14,
2022, inakusahan si Bayogo ng pagnanakaw ng iba’t ibang pera na nagkakahalaga
ng kabuuang HK$995,635.78 noong June 28, 2019 sa isang money exchange sa Pedder
St., Central.
Pindutin para sa detalye |
Ang sinabing ninakaw niya ay ang mga sumusunod:
6,845 United Arab Emirates Dirhams (na katumbas ng
HK$14,555.59)
33,000 Australian dollars (katumbas ng HK$178,041.24)
2,960 Swiss francs (katumbas ng HK$23,305.92)
249,494 Chinese yuan (katumbas ng HK$283781.80)
3,100 euros (katumbas ng HK$27,551.85)
3,278 British pounds (katumbas ng HK$31,428.79)
18,130 Indian rupee (katumbas ng HK$1,837.46)
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
1,088,000 Japan yen (katumbas ng HK$63,649.90)
3,080 Macau patacas (katumbas ng HK$2,988.05)
5,920 New Zealand dollar (katumbas ng HK$29,045)
12,000 Philippine peso (katumbas ng HK$1,832.00)
21,375 Singapore dollar (katumbas ng HK$120,282.26)
40,880 Thai baht (katumbas ng HK$9,246.74)
27,260 new Taiwan dollar (katumbas ng HK$6,859.06)
9,376 US dollar (katumbas ng HK$73,231.25)
5,200,000 Vietnam dong (katumbas ng HK$1,743.87)
124,255 Hong Kong dollar
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang akusasyon laban kay Bayogo ay paglabag ng Section
9 ng Theft Ordinance ng Hong Kong, na nagtatakda ng parusang aabot sa 10 taong pagkabilanggo.
PADALA NA! |
CALL US! |