Pinababalik ng korte ang Pilipina upang ituloy ang pagdinig sa Agosto |
Humarap ulit kanina sa Eastern Magistracy ang Pilipinang nagmamaneho ng isang kotseng dumausdos sa Central sa Peel St., Central noong Dec. 10 na nakapatay sa isang babae.
Pero ipinagpaliban ni Magistrate Jason Wan Siu-ming ang pagdinig ng kaso ni Rashielle L. Magsino, 44, sa Aug. 10 upang bigyan ng dagdag na panahon ang imbestigasyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Muli siyang pinayagang magpiyansa sa halagang $10,000, at ganoon din ang ang mga itinakdang kondisyon: na iiwan niya ang kanyang pasaporte sa korte, hindi siya lalabas ng Hong Kong at mananatili siya sa tinitirhan niyang bahay sa Deepwater Bay, at magrereport sa Aberdeen Police Station tuwing Linggo.
Ang kasong hinaharap ni Magsino ay “dangerous driving causing death”.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ito ang ikatlong pagharap ni Magsino sa korte. Una siyang humarap noong Dec. 13, na nagtapos sa pagpapaliban ng pagdinig sa April 7. Sa ikalawang bista ay itinakda naman ang pagdinig ngayon, pero hindi pa rin nakukumpleto ang ebidensiyang kailangan ng taga-usig.
Ayon sa naunang police report, ipinarada ni Magsino sa Peel Street ang kotseng minamaneho niya noong gabi ng Dec. 10.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kabababa lang niya at ng kanyang pasahero sa kotse nang bumulusok ito pababa sa Peel Street, at inararo ang isang grupo ng tao sa may kanto ng Staunton Street. Ilang dash cam video ng insidente ang kumalat sa social media nang gabi ring iyon.
Walo sa mga nabangga ang sugatan, at tatlo ang malubha. Isa sa kanila, si Elodie Ma, 27, ay namatay kinabukasan.
PADALA NA! |
CALL US! |