Nasentensyahan ang Pinay sa Shatin Court |
Isang Pilipinang domestic helper ang ipinakulong nang anim na buwan matapos mahuling tumutulong sa isang tindahan sa Ap Lei Chau na pagmamay-ari ng kanyang amo.
Si K. Aggabao, 25, ay umamin sa sakdal na “breach of condition of stay” na labag sa Immigration Ordinance.
Ayon sa batas na ito, pinagbabawalan ang mga may hawak ng
domestic helper visa na gumawa ng mga trabahong labas sa kondisyong itinakda ng
Immigration Department at nasa kontratang pinirmahan nila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang parusa dito ay multang aabot sa $50,000 at pagkakakulong ng dalawang taon.
Matapos umamin si Aggabao, na nahuli at ipiniit noong April
19, humingi ng mas magaang na parusa ang kanyang abogado.
Sinabi nito na baguhan ang Pinay sa Hong Kong at nahuling
gumagawa ng bawal na trabaho dahil inutusan siya ng kanyang among si Cheung
Shok Mui na tumulong sa tindahan nito.
PRESS FOR DETAILS! |
Sinabi ni Acting Principal Magistrate David Cheug Chi-wai na
kinikilala niya ang malinis na record ni Aggabao, ang agad na pag-amin niya at ang
pang-akit ng dagdag na kita para sa kanyang pamilya sa Pilipinas, kaya ibinaba
niya ang pasimulang parusa sa siyam na buwan, na binawasan pa niya ng tatlong
buwan.
Walang ring ipinataw na multa sa Pilipina.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil nakatatlong linggo na siya sa kulungan, mahigit dalawang
linggo na lang ang kailangan niyang ilagi doon kung ibabawas ang linggo at
piyesta opisyal sa kanyang sentensiya.