Magkasamang lumabas ng Labour Tribunal ang mag-amo kahit hindi nagkasundo sa kaso |
Nang i-terminate ng amo si J.A. Antonio pagdating niya mula sa day off noong Feb. 12, naisip niyang humingi ng isang buwang sahod bilang kapalit ng biglaan niyang pagpapaalis. At siyempre, pati air ticket papuntang Pilipinas at iba pang gastusin sa pag-uwi.
Pero pumayag lamang ang among si Yu Wai Shing na bigyan sya
ng pambili ng air ticket, kaya nauwi ang kaso nila sa Labour Tribunal.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinaliwanag ng Presiding Officer na si Eleanor Yeung na ayon
sa batas, karapatan ng isang employer na sisantehin ang kanyang tauhan at agad
paalisin, pero obligado siyang magbayad ng suweldo kapalit ang isang buwang
abiso, na tinaguriang “payment in lieu of notice”.
Pero kung may mabigat na dahilan sa pagsisante, hindi obligado
ang amo na magbayad nito.
Pinuna ni Yeung na noong October 2020 at February 2021, hindi
umuwi mula sa day off si Antonio.
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa sagutan ng mag-amo sa Whatsapp tungkol dito, humingi
pa ng tawad si Antonio.
Ang ikatlong kasalanan ni Antonio ay nang mag day off siya noong Feb. 12, na pinayagan ng amo dahil ang paalam niya ay magre-remit lang ng pera sa pamilya, pero gabi na nang siya ay dumating.
Sinabi ng amo niyang si Yu na noong panahong iyon ay
kasagsagan ng fifth wave of Covid-19, at natatakot siya para sa anak niyang may
sakit ng epilepsy at autism, na alaga ni Antonio.
HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE |
Kaya nang tanungin ulit siya ni Yeung kung papayag siyang
magbayad bilang kapalit ng abiso sa halagang $4,630, tumanggi si Yu at iginiit
na babayaran nila lang ang air ticket, na sa kanyang pagtatanong ay nagkakahalaga
ng $1,556.
“Pwede mo bang dagdagan? Pwede bang $3,500? Iyan ay mungkahi
lang,” dagdag ni Yeung.
Sumagot si Yu na ang pagtanggi niya ay base sa prinsipyo.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Kahit kaunti lang,” sambit ni Antonio, na isinalin sa
Inggles ng court interpreter.
Sa huli ay pumayag ang amo na itaas ang babayaran niya sa
air ticket papuntang Pilipinas. Sinabi niya na papayag siyang bayaran kung
magkano ang gitna ng presyong nakuha niya na $1,556 at ng quotation na nakuha ni Antonio
na $2,944, na lumabas na $2,250.
Nang tanungin ng presiding officer si Antonio kung
tinatanggap niya ito, sumagot siya ng oo.
|
Pauwi na siya ng Pilipinas nitong Sabado (bukas), dagdag pa niya.
Pagkatapos magpirmahan ng dokumentong tumatapos sa kanilang
alitan, magkasabay na lumabas sa korte ang dating mag-amo.
PADALA NA! |