by The SUN
Kasabay ng biglang paglamig ay ang maghapong ulan kahapon at kaninang umaga |
Itinala kaninang umaga (May 2) ang pinakamalamig na araw sa buwan ng Mayo simula pa noong 1917, ayon sa Hong Kong Observatory (HKO).
Bumagsak sa 16.4 degrees Celsius ang temperatura kaninang umaga, na ikinagulat ng mga weather forecaster, dahil ang pinakamababang inaasahan nila ayon sa forecast ng kanilang computer ay 19 degrees celsius.
Dahil dito ay dinagdagan nila ang datos ng kanilang Weather
Model Ensemble Forecasting System, upang maging mas eksakto ang pagtataya nito
ng panahon sa hinaharap.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dahilan ng biglang paglamig, kahit ngayong pumasok na ang summer sa Hong Kong, ay ang northeast monsoon (na kilala bilang hanging amihan sa Pilipinas) na pabugso-bugsong umiihip mula sa hilagang silangan ng China.
Karaniwan itong bumababa sa Hong Kong mula Nobyembre
hanggang Pebrero, at humuhupa pagdating ng spring season.
Bumalik ang malamig na hangin sa Hong Kong noong Linggo (May
1), na may dalang ulan, at nanatili hanggang kanina.
PRESS FOR DETAILS! |
May malaking epekto ito sa Labor Day holiday ay lingguhang day off ng mga OFW sa Hong Kong.
Marami ang inabutan ng ulan habang nasa pasyalan nila sa
Central o papuntang simbahan, at habang nakapila sa Bayanihan Center Kennedy
Town uoang bumoto sa ginaganap ngayong halalan.
Pero ayon sa Observatory, babalik na ulit ang tag-araw bukas
ng hapon, at magkakaron ng magandang panahon ang Hong Kong sa susunod na linggo.
Press for details |
Katunayan, nagssimula nang tumaas ang temperatura sa iba’t ibang panig ng Hong Kong ngayong gabi, dahil nakaalis na ang malamig na hangin.
Ilan sa mga lugar na nagreport ng kanilang kalagayan ngayong
10 ng gabi: Wong Chuk Hang, 20 degrees; Tai Po20 degrees; Sha Tin, 20 degrees;
Tuen Mun, 19 degrees; Tseung Kwan O, 19 degrees; Sai Kung, 20 degrees; Chek Lap
Kok, 20 degrees; Tsing Yi, 21 degrees; Tsuen Wan Shing Mun Valley, 19 degrees;
Hong Kong Park, 19 degrees; Shau Kei Wan19 degrees; Kowloon City, 19 degrees;
Happy Valley, 21 degrees; at Yuen Long Park,19 degrees.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inaahasan din na magiging mainit tuwing hapon simula bukas, mula sa 24 degrees celsius bukas hanggang 30 degrees Celsius sa Huwebes.