Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OFW hatid-probinsiya, ititigil na ng OWWA

30 May 2022

The SUN Hong Kong

Mula June 1 ay hindi na maghahatid pauwi ang OWWA sa mga OFW na darating sa Pilipinas

Simula sa Miyerkules, June 1, ay dapat nang magbayad ng pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ang mga darating na overseas Filipino workers (OFW) sa Pilipinas.

Ito ay dahil ititigil na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paghahatid sa mga OFW sa kanilang mga bahay mula sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay OWWA administrator Hans Cacdac, napagpasyahan nilang itigil na ang dalawang taong serbisyo dahil 95% naman daw ng mga OFW ay hindi na nagpapahatid pauwi dahil normal na ang takbo ng mga pampublikong sasakyan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dulot din daw ito ng desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kontra sa Covid-10 na isailalim ang National Capital Region sa Alert Level 1, na naglagay sa normal na takbo ang buhay sa buong Metro Manila.

Gayunpaman, mananatili daw ang paghahatid pauwi sa mga OFW na “distressed” o yung mga nahaharap sa suliranin, katulad ng mga maysakit; at pati na din yung mga na-repatriate mula sa bansang kanilang pinagtatrabahuan.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Ipagpapatuloy din daw ng OWWA ang pagsagot ng mga tutuluyan para sa quarantine ng mga uuwing OFW na hindi bakunado, hindi kumpleto ang bakuna o hindi nakapagpa test para sa Covid bago umuwi. Alinsunod kasi sa pinakahuling patakaran ay hindi na kailangang mag quarantine pagdating sa Pilipinas ang lahat ng darating mula sa ibang bansa na may dalawang turok na ng bakuna kontra sa Covid-19.

Pero kapag lumabas na ang negatibo nilang resulta para sa Covid test ay kailangan na nilang bayaran ang pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga bahay.

2 taon na naghatid-sundo ang OWWA sa mga OFW na papaalis o bagong dating

Ang balita ay nagsanhi ng pagbatikos sa OWWA ng ilang mga OFW, kabilang na ang mga nasa Hong Kong. Karamihan sa kanila ay sinabi na kung kailan dinagdagan ng pamahalaan ang mga sinisingil na bayarin sa mga OFW ay saka naman nila babawasan ang kanilang serbisyo.

Kasabay kasi ng pagpapatupad ng desisyong ito ng OWWA ay nakatakda ding singilin ang mga OFW ng 5% na kontribusyon sa PhilHealth, mandatory insurance na nagkakahalaga ng hindi bababa sa Php6,000 at kontribusyon sa Pag-IBIG.

Ayon sa United Filipinos – Migrante Hong Kong, “Ang OWWA nagbawas na ng serbisyo sa mga OFW pero nagdagdag naman ang gobyerno ng mga mandatory fees. Kamusta naman tayo?”

Sinimulan ng OWWA ang pagbibigay ng libreng tuluyan sa mga OFW para sa kanilang quarantine at ticket o sakay pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya noong Mayo ng 2020 matapos kumalat ang coronavirus sa Pilipinas.

BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa paulit-ulit na lockdown ay nahirapang makauwi ang mga OFW kaya minabuti ng pamahalaan na ihatid na sila sa kanilang mga lugar.


Noong umpisa ay nagtalaga din ang OWWA ng mga sasakyan sa mga karatig-probinsiya para sunduin ang mga OFW na papaalis naman ng bansa at hirap makarating sa NAIA dahil sa kawalan ng masasakyan sanhi ng lockdown.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Cacdac, mahigit 1.2 million na OFW ang nakinabang sa serbisyong ito sa nagdaang dalawang taon.

Gumastos diumano ang pamahalaan ng Php20 billion para pambayad sa mga hotel na tinuluyan nila, Php billion para sa paghahatid sa kanila pauwi, at halos Php1billion para sa kanilang pagkain.

Ang lahat daw ng ito ay binayaran ng gobyerno, kaya ang Php18.3 na budget ng OWWA ay hindi nabawasan.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss