Ni Daisy CL Mandap
Si Marites Palma kasama ang anak na si Levi bago siya mangibang bansa
Sa
bawa’t isang ina na nangingibang bayan para mabigyan ng mas magandang buhay ang
pamilya ay may isang anak o higit pa na nangungulila sa kanyang kalinga. Sa
bawa’t araw silang magkawalay ay hindi matatawaran ang sakit ng loob na
namamahay sa puso ng bawa’t isa sa kanila.
Nguni’t
sa ngalan ng mas magandang buhay para sa mga anak ay handang tiisin ng maraming
mga migranteng nanay ang mga pagsubok at sakit ng dibdib. Ang tanging hiling
nila, sana ay maunawaan ng kanilang mga anak balang araw ang ginawa nilang
pagsasakripisyo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ngayong
Araw ng mga Ina ay kinausap namin ang ilan sa mga nanay na ito at tinanong kung
ano ang pinakamasakit nilang karanasan dala ng pagtatrabaho ng malayo sa
pamilya, at sa isang banda, kung paano naman nakatulong sa kanilang mga mahal
sa buhay ang naging paglayo nila pansamantala.
Gemma
Adan Solomon, 25 taon na sa abroad at may asawa at 2 anak:
Si Gemma kasama ang asawang si Edgar at mga anak na sina Rommel at Geoffrey |
Ang pinakamasakit na na experience ko bilang isang OFW (overseas Filipino worker) na nanay ay noong magkasakit ako ng breast cancer kasi two at four years old pa lang ang mga anak ko noon. Sabi ko kay Lord huwag niya muna akong kunin kasi maliliit pa ang ang mga anak ko. Kako, “Lord after 10 years na lang.” Kahit may sakit na ako noon ay sila pa rin ang inaalala ko, kasi kung uuwi kako ako baka pati gatas hindi na sila makainom dahil magagamit ko ang pera sa pagpapagamot.
Kaya
naki bargain ako sa amo ko na payag akong magtrabaho ng walang sahod huwag lang
mapauwi. Sa awa ng Diyos ang mga anak ko ngayon ay 18 at 20 years old na at
hindi pa naman Niya ako kinuha.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Palagi
kong ipinagpapasalamat ang aking buhay at patuloy pa ring nakikipaglaban para
sa aming mga anak.
Sa kabilang banda, ang pinakamagandang dulot ng aking pagiging OFW ay naibibigay ko ang pangangailangan ng mga anak ko lalo na sa pag-aaral, at nakakapagamot ako dito ng mura lang at may mga follow-up check-up pa. Nakakatulong pa rin ako kahit papaano sa aking mga kapatid lalo na kung may mga karamdaman sila, at nakakaipon kahit papaano para sa kinabukasan naming pamilya.
PRESS FOR DETAILS! |
Marites Palma, 21 taon na sa HK at solong ina sa nag-iisang anak
Umuwi si Marites para sa debut ng nag-iisang anak na si Levi |
Masakit din na lumaki siya na wala ako sa tabi niya. Eleven
months pa lang siya noong iniwan ko, ngayon ay 21 years old na. Pero para sa katuparan
ng mga pangarap naming mag-ina ay kaunting ng sakripisyo pa ang kailangan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa kabila nito, may maganda ding naidulot sa akin ang pagiging
isang OFW. Naging matatag ako bilang isang solong ina at nakuhang labanan ang
mga hamon sa buhay namin ng anak ko. Naibigay ko din ang lahat ng kanyang
pangangailangan, at hindi na niya naranasan ang hirap sa buhay na gaya ng
naranasan ko. Sa tulong ng aking mga employer ay naipadama ko din sa kanya ang
lubos na pagmamahal ng isang ina. Nakapamasyal kaming magkasama dito sa Hong
Kong, Macau, China at Thailand.
Dahil sa pamamasyal namin na magkasama ay nakita niya at
naintindihan ang hirap ng maging isang OFW. Naging malawak ang kanyang pang-unawa
at lalo syang naging mapagmahal sa akin, at naging responsableng anak at estudyante.
Ayon sa kanya isang text lang naman daw ang layo ko sa kanya.
Adela San Luis, 18 taon na sa abroad at may asawa at 3 anak
Si Adela at kanyang asawa at 2 sa 3 anak |
Lubhang masakit para sa isang OFW na nanay na katulad ko na lumaki ang mga anak ko na hanggang video call lang lagi ang usapan namin. Minsan naiisip ko na ring mag for good pero takot pa rin ako kung paano ako magsisimulang muli pagbalik sa Pilipinas.
Ang maganda lang dito, dahil sa pagiging OFW ko ay natutustusan ko ang mga needs at wants ng aking mga anak at iba pang miyembro ng aking pamilya. Masaya na ako tuwing makikia ko sila na may masaganang pagkain at nakakapag-aral sila kung saan nila gusto.
Marites Toralba, 28 taon nang OFW sa HK, biyuda at may 3 anak
Si Marites kasama ang tatlong anak na pawang napagtapos niya |
Ang pinakamasakit kong karanasan bilang OFW ay hindi bilang ina kundi bilang anak. Hindi ako nakauwi para ihatid sa huling hantungan ang aking pinakamamahal Inay.
Bawi naman ako sa aking tatlong anak. Dahil sa pagiging OFW ko ay napagtapos ko silang lahat, at ang bunso ay isa na ngayong ganap na dentist namay sariling clinic.
Ang mga anak ko ay sina Mark Anthony, aged 35, Sheena Mae, 34;
at William Luther, 30. Yung bunso ko ay ipinanganak ko sa barko, at ang una
niyang pangalan ay hango sa William Lines, ang may-ari ng barko; samantalang
ang Luther ay pangalan nung kapitan.
Janice Andeza, solong ina sa nag-iisang
anak
Janice at ang 13 taong gulang na anak |
Ang ina ay tinaguriang ilaw ng tahanan dahil siya ang nagkakalinga at nangangalaga sa pamilya, lalo na sa anak. Kaya ganoon na lang kabigat sa kalooban ko at isipan na mawawalay ako sa nag-iisa kong anak. Maraming pagsubok ang pagiging OFW na ina dahil nandiyan ang oras na mangungulila ka at mananabik sa anak mo. Gusto mo siyang yakapin at hagkan nguni’t napaka imposible sa kadahilanang malayo ka.
Ang nakakagaan lang sa pakiramdam ay yung
makita mo ang iyong anak na nasa maayos na kalagayan. Nabibigyan mo siya ng
magandang edukasyon at mga pangunahing pangangailangan, at nasisiguro mo na
magkakaroon siya ng magandang kinabukasan pagdating ng panahon.