Dinidinig ang kaso sa Labour Tribunal sa Kowloon |
Gaano ba kahaba dapat ang araw ng pahinga ng isang domestic helper sa Hong Kong, at kailangan bang gugulin ito lahat sa labas ng bahay ng amo?
Ayon sa mga panuntunan ng Labour Department, ito ay isang araw – at hindi dapat kukulangin sa 24 oras -- sa bawa’t anim na araw na trabaho.
Pinanghawakan ito kanina ni Mary Ann Mataya nang magreklamo siya sa Labour Tribunal matapos na i-terminate siya ng amo niyang si Winnie Chan Si-yu.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Siningil niya si Chan para sa lahat ng mga day off at statutory holiday nya maliban pa sa ibang bagay gaya ng pamasahe pauwi at pagkaltas ng $300 sa suweldo niya bilang kabayaran sa mga gamit na nabasag niya. Ayon sa kanya, hindi daw kasi binigay sa kanya ng buo ang 24 oras na pahinga niya.
Nang tanungin ni Presiding Officer Eleanor Yeung ang amo tungkol dito, ipinakita nito ang mga resibo ng binayaran niyang suweldo at mga day off, na pinirmahan ni Mataya.
Inamin ni Mataya ang pirma niya, pero sinabi niyang hindi niya naintindihan ito nang pumirma siya dahil nakasulat sa Intsik at sinabi lang sa kanya ng amo na ito ay para sa suweldo niya. Hindi rin siya binigyan ng kopya.
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pero sinabi ng presiding officer na ang pinag-uusapan ay kung pinirmahan niya ang dokumento, dahil responsibilidad niya na busisiin ang lahat ng pinipirmahan niya.
Kung gusto ni Mataya na maipakitang may panloloko tungkol dito ay dapat magkaroon ng paglilitis," dagdag ni Chan.
“Ang gusto ko lang naman ay ang statutory holiday na bayaran ng amo ko, dahil mayroon akong 10pm na curfew,” sagot niya, sa pamamagitan ng interpreter.
Dito nagtanong ang presiding officer kung nag day off nga ba ang Pilipina.
Ang sagot niya ay hindi siya binigyan ng 24 na oras na day off.
Nang tinanong siya kung pinagtrabaho siya pagkatapos ng curfew niya na 10pm, ang sagot niya ay hindi.
Tinanong din siya na kung hindi tama na pabalikin siya sa bahay ng 10pm, ano ang dapat na oras na bumalik siya.
|
Ang sagot ni Mataya: “Basta’t hindi ako lumampas ng 24 oras..”
Ang lumalabas, ayon kay Chan, hinihingi ni Mataya ang buong araw na day off na parang hindi siya nag-day off nang lumabas siya hanggang sa curfew niyang 10pm.
“Sa palagay ko,” sagot ni Chan, na isinalin sa Tagalog ng intepreter, “ay mali ang pagkaintindi mo sa batas. Kailangan mong humingi ng payong legal. Magbigay ka ng kaso na pinagbatayan mo at kumbinsihin mo ang korteng ito."
Itinakda ni Chan ang susunod na pagdinig sa Sept. 7.