Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy ikinulong ng 16 buwan dahil sa 'loitering' at overstaying

19 April 2022

Ang Tsuen Wan court, kung saan dininig ang kaso laban sa Pilipino

Isang dating domestic helper na una nang umamin sa salang overstaying at “loitering” matapos mahuli sa bubong ng isang gusali sa Yuen Long, ang ipinakulong ng 16 na buwan kanina.

Hawak ang Bibliya na bigay ng isang pari habang siya ay nakakulong, kalmadong tinanggap ni Wilbert M. Abad ang sentensiyang ibinaba ni Deputy District Judge C H. Li sa Tsuen Wan court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil nakulong na si Abad nang 13 buwan, tinataya ng kanyang abugado na mahigit isang buwan na lang ang ilalagi niya sa loob, kapag nabawas ng Correctional Services Department ang mga piyesta opisyal at Linggo sa sentensiya.

Nagsimula ang kaso ni Abad Oct. 15, 2020 nang mahuli siya sa bubong ng isang gusali kung saan ang isang residente ay sumigaw para humingi ng tulong matapos siyang mamataan. (Basahin ang naunang report ng The SUN: https://www.sunwebhk.com/2022/04/filipino-caught-on-roof-found-guilty-of.html).

PRESS FOR DETAILS

Unang kinasuhan ng pulis si Abad ng “burglary” ngunit hindi ito napatunayan ng taga-usig dahil wala naman siyang sandata, hindi pilit nagbukas ng kahit anong pinto o bintana at hindi rin siya nanakit o gumawa ng pinsala.

Ipinalit ang kasong “loitering”, na kanyang inamin sa pagdinig sa West Kowloon Law Courts noong ika- 7 ng Abril.

Para dito ay pinarusahan siya ni Judge Li ng 12 buwang pagkakakulong.

PRESS FOR DETAILS

Matapos makapagpiyansa si Abad sa naunang kaso, dumulog naman siya sa pulis noong March 19, 2021 upang magreklamo na binugbog siya ng isang grupo ng kalalakihan.

Nang irepaso ang kanyang record, nadiskubreng siya ay overstaying na mula pa noong May 7, 2013, o tumira siya sa Hong Kong nang walang visa sa loob ng pitong taon, 10 buwan at walong araw.

Ang ipinataw na parusa dito ay apat na buwang pagkakakulong.

PRESS FOR DETAILS! 

Iniutos ni  Li na pagsilbihan ni Abad ang dalawang parusa nang hiwalay at magkasunod.

Samantala, sa hiwalay na kasong dininig sa West Kowloon Courts, binasahan ng demandang burglary si Maricris Sayco, 45, isang domestic helper.

Inakusahan siyang pumasok sa isang bahay sa Sham Shui Po  noong Nov. 1, 2021 at nagnakaw ng dalawang relo, dalawang iPhone, isang power bank at isang laptop computer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil sa bigat ng kaso, iniakyat ito ni Magistrate Minnie Wai Lai-man sa District Court, upang dinggin sa May 3. 

Nakakalaya si Sayco sa piyansang $10,000.


Don't Miss