Shatin Court, kung saan dininig ang kaso ng Pilipina. |
Isang Pilipinang domestic helper ang nakaligtas sa kulong kanina sa Sha Tin Court, samantalang ang kanyang employer ay ipinakulong nang dalawang buwan matapos na mahuli siyang nagtatrabaho sa restaurant nito.
Si Rogelyn L. Panday, 42 taong gulang, ay nauna nang
sinampahan ng pitong magkakaparehong kaso ng “breach of condition of stay”, matapos siyang makitang nagtatrabaho sa isang Thai restaurant
sa Shau Kei Wan sa pitong iba-ibang araw mula Nov. 15, 2021 hanggang Jan 3, 2022.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero iniurong ng taga-usig ang anim sa mga kaso na unang
inihain noong Feb. 28.
Sa natitirang kaso, kung saan nahuli si Panday noong Jan 3,
2022, ay umamin siya sa paratang.
PRESS FOR DETAILS! |
Pinarusahan siya ng dalawang buwang pagkakakulong, pero ito
ay sinuspindi ng 24 na buwan. Ibig sabihin, hindi siya ikukulong maliban na lang kung lumabag siyang muli sa batas sa susunod
na dalawang taon.
Press for details |
Pero hindi pinalampas ni Acting Principal
Magistrate David Cheung Chi-wai ang amo ni Panday na si Wong Ka Chi
Utumaru, na kinasuhan kasama ang isang Indonesian, si Jariya Saiyarueang, sa salang pagpapatrabaho sa Pilipino ng ilegal.
Ang dalawa ay mga amo ni Panday na dapat sana ay sa bahay nila sa Shau Kei Wan lang nakapirmi, pero pinagtrabaho din nila sa kanilang restaurant.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang krimen ay paglabag sa Section 17I (1 (a) at
17T (5) ng Immigration Ordinance. Ayon sa batas na ito, ang pinakamatas na arusa
sa paglabag sa mga probisyon nito ay multang aabot sa $350,000 at pagkakakulong
ng tatlong taon.
Sa pagdinig ng kaso ay inurong ng tagausig ang kaso laban kay Jariya, pero itinuloy ang kay Wong.
PADALA NA! |
| ||